TIS Chapter 23

427 16 4
                                    

"A soldier fights for his country, and even if he don't love the person it is his duty to save and protect that person because that's what a soldier should do."Vaughn Vestager
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
This chapter is dedicated for AhizhahLerin
















WILLA Jenica is fuming with anger and pain, good thing she managed to hold her tears nang harapin sila. Mabilis siyang tumalikod at umalis, agad itong sinundan ng ama at ni Evander.

"Vaughn," nilingon nila si Leticia. "We will talk later." Seryoso nitong sabi pagkatapos ay lumabas ng kwarto kasama ang asawa.

Napahinga ng malalim si Illyza nang isara ang pinto. Naiwan silang tatlo ng anak at ni Vaughn. She turned to see him.

Nilakumos ng lalaki ang buhok at sinipa ang kama.

"Bullshit!"

Nanlaki ang kanyang mata nang marinig iyon. "Vaughn, don't curse!" Pinanlakihan niya ito ng mata nang magmura ito.
















-----

"LET the guests and celebrant wait for another 30 minutes, please."

Kausap ni Evander sa organizer. Matapos niyang kausapin si Willa Jenica ay agad niya itong hinanap.

He sighed, he's not prepared. He didn't expect this would happen. Nilibot niya ang paningin sa garden pero agad din siyang tumalikod. Kagat niya ang ibabang labi habang ang mga kamay niya ay nakahawak sa kanyang baywang.

Napapikit siya ng mariin nang maalala ang kanina.

Evander was hiding behind the door, it's slightly open. Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng iba pero heto ngayon nakikinig siya kahit hindi niya maintindihan ang sinasabi nila.

"Tama na anak,"

"Papa ang sakit-sakit!"

"Tahan na, wala na tayong magagawa. Umayaw na si Vaughn sa kasal."

"Papa, ano na'ng gagawin ko? Ayokong mapahiya sa mga kaibigan ko at sa pamilya natin!" Umiiyak na sabi ni Willa Jenica. "Ayokong itigil ang kasal pero ayoko ding pakasalan si Vaughn. Ayokong makasal sa lalaking may anak na sa iba! Papa ayoko hindi ko siya matatanggap!" She screamed with anger and pain. Tumulo narin ang luha niya.

Evander fists clenched, naawa at nasasaktan siya sa babae.

"Papa ayokong mapahiya! Ayokong pag-usapan ako! Ayokong pagtawanan ako ng ibang tao!" Humagulhol siya. "Ayokong mapahiya! Ayokong mapahiya papa! Ayoko!" Muli itong sumigaw. "Yung babaeng 'yon?! Si Illyza! Siya! Siya ang dahilan ng lahat!"

"Anak tama na, walang kasalanan dito ang artistang 'yon."

"Papa anong wala?! Inagaw niya sa akin si Vaughn! Malandi siya!"

"Willa Jenica tama na! Walang kasalanan dito si Illyza. Hindi niya inagaw sa'yo si Vaughn!"

"Pinagtanggol mo pa 'yong babaeng 'yon kesa sa 'kin na anak mo?!"

"Hindi ko siya pinagtatanggol, nagsasabi lang ako ng totoo."

Dumaan ang ilang segundong katahimikan.

SERIES 2: Trapped In SadnessWhere stories live. Discover now