TIS Chapter 10

421 13 7
                                    

"I decided to quit"Jasmine Illyza Martin Relova
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
















"BAKIT mo nagawa sa'kin 'to Illyza? Babae ka din, papa'no mo nagawang pahiyain ako sa lahat ng tao?" Umiiyak na sabi ni Monique habang nakatungo.

Nag-isang linya ang bibig ni Illyza at lumingon sa labas. She can't help but to pitied her.

"Napakasama mo para mag-imbento ng kwento," lumingon sa kanya si Monique. Ngunit ang kanyang mga mata ay sa labas parin nakatingin. "Kahit kailan hindi ko inagaw si Kevin sa'yo. Hindi ko siya pinikut para pakasalan ako... at higit sa lahat hindi ako nagpabuntis sa kanya para iwan ka at sumama sa'kin."

Humugot ng hininga si Illyza at galit-galitan na lumingon kay Monique. The woman is crying in front of her.

Napakuyom ang kamao niya na nasa kanyang hita. Naalala niya ang kanyang ginawa, she posted a picture of Monique in her Facebook account with caption, 'Mang-aagaw. Pinikut mo ang mahal ko para pakasalan ka! Nagpabuntis ka para iwan niya ako at sumama sa'yo.' Dahil do'n sobrang dami ang naging bashers ni Monique and even throwing her painful words.

"Dad wants to sue you for humiliating me but I stopped him." Nakita niyang pinunasan nito ang kanyang mukha. "Naiintindihan kita, naiintindihan ko ang pagmamahal mo sa asawa ko." Monique said while sobbing. "Pero alam mong hindi ko inagaw sa'yo si Kevin. Hiwalay na kayo no'n noong pakasalan niya ako."

Umikot ang kanyang mga mata at nilibot ang paningin sa loob ng Van nito. Right now they are facing each other with a small table in between. There are drinks and food on the table pero ni isa walang bawas.

"Sinadya mo ba talaga 'to? Na dito tayo mag-usap? Huh! Monique, 'wag mong ipangalandakan sa akin kung gaano ka kayaman." She said changing the topic. Ganito siya kapag hindi na niya kaya ang pinag-uusapan, she rather change the topic than feeling the pain. "Alam mo, stop with your drama!" She raised her brows. "Ipakita mo ang totoong ikaw Monique! Fight! Wag kang iiyak diyan at ipamukha sa'kin kung gaano ako kasama. Naiinis akong makita ang pagmumukha mong 'yan. 'Wag mong ipakita sa akin kung gaano ka kaawa dahil mas ginanahan akong awayin ka! Lumaban ka! Labanan mo 'ko!"

She expects that Monique would be mad and fight back but she got nothing. Iyak lang ito ng iyak.

"Please Illyza, please, I'm begging. Please delete what you had posted parang awa mo na."

Nainis siya sa sinabi nito. Monique don't know how to fight back! Kung totoong maldita lang talaga siya siguro abot tenga na ang ngisi niya sa reaksyon nito dahil puro lang ito iyak at pagmamakaawa. Pwede niya itong sabihan ng masasakit pa na mga salita at gawing kaawa-awa but she can't, may awa parin siya kay Monique. It's just love that she fought for, a love that she felt for Kevin pero mali parin knowing he's a married man. Monique is the wife pero mukhang ito pa ang kabit sa kanilang dalawa ngayon. Sobra tuloy siyang nainis sa kabaitang taglay nito.

"Parang awa mo na Illyza, pakibura no'ng pinost mo. Please."

Dahil sa inis niya ay tumayo siya. Hindi na niya ito matagalan pang makita.

"Kahit kailan nakakatawa ka talaga Monique," inayos niya ang sling bag at bumuga ng marahas na hininga. "Huh! Nakakainis."

SERIES 2: Trapped In SadnessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ