TIS Chapter 29

1.4K 28 25
                                    

"If you can't fight for yourself, then I will fight for you" — Vaughn Vestager
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
















NAPABUGA ng malalim na hininga si Illyza matapos basahin ang nakasulat sa balita. Gusto niyang umiyak sa inis at galit, bakit may ganitong klaseng tao? Magsusulat na nga lang, puro pa mga kasinungalingan.

Muli niyang tinignan ang cell phone at kumurap-kurap.

'Matanda na pala ang tipo mo Illyza?'

'My sugar daddy'

'Congratulations! I'm happy for you idol!'

'Parang father and daughter lang!'

'Age doesn't matter. Face doesn't matter. If you love the person, you love the person! Periodt.'

'She is still my queen! Congratulations!'

'Matanda, maraming pera, mabilis mamatay, instant milyonarya na si illyza na walang pakialam sa pamilya. Hayop!'

'Basta idol ko pa rin si Ms. Illyza.'

'Congrats idol! Selos lang itong mga bashers mo.'

'Sayang. Idol pa naman kita noon. Karma lang ang aabutin mo sa pag-iwan mo sa pamilya mo.'

'She deserves happiness! Congrats Illyza!'

'Ewww. Mga marites pasok!'

'Congrats po!'

'Pinaglaosan ni KY!'

'She's the happiest! Love you Illyza!'

'Matalino din itong si Illyza, pumili ng matanda para mabilis yumaman! Hahahaha. Wala na kasing papatol, mas maluwag pa 'to sa embornal.'

'Masarap siguro ang hotdog nitong si lolo. 😜'

'Kevin Youdelman left the group.'

Iilan lang yun sa mga nababasa niya. Huminga siya ng malalim at kinagat ng mariin ang ibabang labi. Dahil sa mga nababasa hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ang sakit magsalita ng mga taong walang alam sa totoong pagkatao niya.

She deactivated all of her social media accounts when Amarah was seven months old, at sa loob ng halos dalawang taon ngayon niya ulit nabuksan ang social media accounts niya. At ngayon nga nandito siya sa Facebook binabasa ang iba't-ibang komento sa kanya ng mga tao tungkol sa walang katutuhanang balita.

Pinunasan niya ang mukha nang maalala ang usapan nila ni Mihira kaninang umaga.

'Sobrang luwag na siguro nito. Sa sampung taon nila ni Kevin Youdelman ilang beses na kayang may nangyari sa kanila?'

Mabilis niyang binalik kay Mihira ang cell phone. Sa umagang ito iyon ang pinakamalala sa mga nabasa niya.

Niyakap siya ni Mihira nang biglang tumulo ang luha niya.

Umiling-iling siya. "Okay lang, pinipilit kong 'wag magpaapekto. Pero hindi ko maiwasang hindi masaktan."

"Sshhh... 'Yang mga nanja-judge sa'yo, karma lang ang aabutin nila. Wag kang mag-alala, hindi ako naniniwala sa kanila." Hinagod ng babae ang likod niya.

SERIES 2: Trapped In SadnessWhere stories live. Discover now