TIS Chapter 26

456 13 2
                                    

"I was a mistress, I am cruel, I broke a family"— Jasmine Illyza Martin Relova
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
















NAPAHINGA ng malalim si Illyza nang makapasok sa penthouse ni Vaughn. She roamed her eyes, the place is very spacious, relaxing at lalaking-lalaki ang dating.

"If you don't like the interior we can modify it." Anang Vaughn matapos ipasok ang tatlong malalaking bagaheng dala nila.

She looked at him. Hindi parin siya makapaniwala na ito pala ang may-ari nitong hotel resort na ito.

"No, it's okay..."

"I'll let you take care of the household and to beautify it. I entrust everything to you. I knew you can do it."

She tilted her head. "Don't be too confident in me."

He looked at her calmly then took steps closer habang hindi pinuputol ang mga titig sa babae. Patuloy naman sa pag-atras si Illyza hanggang sa tumama ang puwit niya sa likod ng sandalan ng sofa. Napaupo siya doon.

Vaughn cornered her, he laid both hands on her sides and smirk. Napalunok si Illyza at patuloy na inilalayo ang mukha rito. Hanggang sa gumapang sa likod niya ang isang kamay nito.

"You might fall... but I can catch you." Bumilis ang tibok ng puso ni Illyza nang sabihin iyon ni Vaughn. Bakit pakiramdam niya double meaning iyon? "You look tense, I just wanna kiss Amarah." Sobrang hinahon ng boses nito pagkatapos ay hinalikan sa noo ang anak na karga-karga niya na nakatulog na.

She blushed, kung anu-ano kasi ang nasa isip niya nang lumapit ito, nakakahiya.

"Come, follow me..."

Mabilis itong tumalikod pagkatapos ay kinuha ang mga bagahe. He guided her to a certain room kung saan ang kwarto nila ng anak. Ilang beses siyang huminga ng malalim, patuloy parin sa pagkabog ang puso niya.

Huminto sila sa hallway. Vaughn turned to meet her.

"I only have two rooms here, this one is yours," tinuro nito ang kaliwa. "And the opposite one is mine." Tinuro naman nito ang kanan. "Everything's settled so you don't have to worry. If you need something just tell me, I'm right over here."

Tipid na ngumiti si Illyza pagkatapos ay dahan-dahang tumango. "Thank you..." Bukod tanging salitang lumabas sa bibig niya, nahihiya siya. Plus she's still not comfortable with him, she don't know when will she get used of his presence.

She sighed. "C-Can we get in? So I can put Amarah on bed? Ahmm, it's almost late already, you can leave us now. Don't worry I can manage."

Tumango si Vaughn at pinasok ang mga gamit pagkatapos ay umalis.

















Hatinggabi na nang matapos si Illyza sa pag-aayos ng mga damit. Napahinga siya ng malalim at nilapitan ang anak na mahimbing na natutulog. She kissed her temple and brush her hair softly. 

"Mama loves you so much baby. Hindi ko man gusto ang ganitong setup, pero para sa'yo kakayanin ko, mabigyan ka lang ng pamilya. I have dreamed of this since young, but I never had the chance. Kaya sa'yo ko nalang tutuparin lahat ng pangarap ko." She laid beside the child and hug her tenderly. "Hindi ko lubos akalain na makikita ko ulit ang daddy mo. I'm sorry if once, I wished for his death. Sobrang galit lang ako sa kanya noon. How would you feel if someone lied his real name? I trusted him because I thought he was a good person, but he was a liar. No'ng araw na nalaman ko ang totoo, hindi man lang niya ako hinabol at humingi ng tawad. I could forgive him that night. Hindi sana ako umuwi ng Pilipinas na may galit sa kanya... I cursed him for impregnated me. Pero matagal na 'yon, napatawad ko na siya. I understand kung siya ang klase ng tao na hindi basta-basta nagtitiwala... I admire him for that." Pumikit siya at bumuga ng hangin. "Natatakot ako, hindi ko alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Basta anak, kakayanin ni mama para sa'yo." Tumulo ang luha niya at niyakap pa lalo ang bata.

SERIES 2: Trapped In SadnessWhere stories live. Discover now