TIS Chapter 27

474 14 1
                                    

"Where's my coffee, baby?" — Vaughn Vestager
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
















SUNDAY morning maagang nagising si Illyza para maglinis pagkatapos ay nagluto ng agahan. Day off niya ngayon, gusto sana niyang magpasama kay Mihira lumabas pero nabago ang schedule ng day off nito, kaya siguro ang anak nalang niya ang sasamahin niya para bumili ng mga personal needs niya, isasabay na lang din niya ang pag-gogrocery.

"Hi, good morning!"

Muntik na niyang mabitawan ang sandok na hawak nang may magsalita sa likuran. Nilingon niya ito.

"You startled me!"

"Haha, it's 6. Amarah's still on the bed?" Tanong nito at kumuha ng tasa. Siya naman at nagpatuloy sa pagluluto.

"Hmm..."

"What's for breakfast?"

"Bacon, egg and cheese sandwich..." Sa nakaraang mga araw natuto na siya ng kunti magluto ng western food dahil tinuturuan siya ni Vaughn, ayaw niyang ito palagi ang mag-asikaso sa kusina. Nakituloy na nga siya at lahat-lahat ito pa ang mag-aasikaso sa kakainin nila, hindi naman siguro tama 'yon. Kaya sinusubukan niya talagang isaisip lahat ng tinuturo nito.

"You're almost a week here and aunt told me today's your off. Any plan?"

"Not much. I just need go out to buy something..."

"I'll go with you. We're running out of stock so we really need to go to the grocery."

She turned off the stove and prepare the food.

"I'll go check on Amarah," ani Vaughn pagkatapos ay umalis.

Nilingon ito ni Illyza pero likod nalang ng lalaking papaalis ang nakita niya. Napahinga siya ng malalim. The past few days unti-unti niyang nakilala ang lalaki, she can say Vaughn is an ideal man. Nakikita niya ang kabutihan ng loob nito at pagiging sinsero sa kanya. He is the type of guy who would respect you, napakatransparent din nito, he'll consider your opinions and ideas, he cheer her up and is always there to listen to her. Ito ang klase ng lalaki na hindi mahirap mahalin kaya natatakot siyang mas mapalapit pa dito.

Simula nang tumira sila dito hindi pa niya nakitang lumabas ito ng kwarto na nakatapis lang or walang damit pang-itaas, naramdaman talaga niya na nirerespeto siya nito, and the way he talks, it's very calm.

Napahinga siya ng malalim, sa nagdaang mga araw bakit ito palagi ang laman ng isip niya? Tumalikod siya at kinagat ang hintuturo. She should stop this, hindi na tama 'to.



"Amarah's still sleeping. I think we should eat first I'll just feed her later..."

Salita ni Vaughn pero parang walang narinig si Illyza. Nakatalikod parin siya at pumikit ng mariin. Umiling-iling siya.

"Hey!" Tawag ng lalaki pero parang walang narinig si Illyza.

"Hindi Illyza, hindi na tama 'to. Bawal kang magkagusto sa kanya. Iba ang tipo niya masasaktan ka lang— ay kabayo!"

Napatalon sa gulat si Illyza nang makaramdam ng kamay sa kanyang balikat. She turned around eyes widen. Napahawak din siya sa dibdib.

"Kevyo?" Kunot noong sabi ni Vaughn. He sounds slang and it's cute. "What is that mean?"

She breathes out and smirk. "It means a horse. You," Tinuro niya ito. "You look like a horse." Pagbibiro niya.

His eyes widen.

SERIES 2: Trapped In SadnessWhere stories live. Discover now