TIS Chapter 19

394 15 5
                                    

"Whenever I see this baby I always feel love and connection" — Leticia Vestager
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
















"SABI ko naman sa'yo mabait talaga 'yang si Señora Luscinia Marchetty."

Illyza couldn't contain much of her happiness as her employer allow her to bring Amarah at work. Okay lang rito, ito pa nga ang gustong mag-alaga sa anak niya. A kind of employer like her is so rare especially here in abroad.

"Mahilig pala siya sa mga bata..."

"Oo, kapag nakakita talaga 'yang si Señora ng bata nako! Ang laki-laki ng ngiti, kita mo naman siguro kanina... wala kasi 'yang anak." Pabulong na sabi ni Mihira lalo na sa huling mga salita.

Napalingon rito si Illyza habang naglalakad sila papuntang locker room. "Ha? Talaga? Pero pwede pa siguro siyang magkaanak."

"Anong pwede? E malapit na nga 'yang tumuntong ng sesenta."

"Sure ka? Binibiro mo lang ako, ang bata pa kaya ng itsura ng Señora."

"Naman, dalawang taon na ako dito! At saka, ganyan talaga lalo na kapag mix."

Kumunot ang noo ni Illyza sa sinabi nito at napa-isip. "Teka nga, ano bang lahi nitong si Señora? Mukha kasi siyang, hindi purong Amerikana?"

Mihira snapped her fingers. "Half-Argentinian 'yang si Señora kaya sobrang ganda. 'Pag nakita mo lang ang kapatid niya, nganga ka! Sobra talagang ganda. Parang hindi sila tumatanda, nakakainggit." Anang Mihira.

Napailing at napangiti si Illyza. Grabeng papuri nito sa amo at sa kapatid nito. Nacucurious tuloy siya, parang gusto niyang makita ang kapatid ng Señora.

"Pero tama na, magbihis na tayo dahil oras na ng trabaho." Anang Mihira nang nasa locker room na sila. Nilingon siya nito at nginitian, she patted her shoulder lightly. "Ito ang unang araw mo Illyza, sana makayanan mo. Pero alam ko naman na kaya mo, ikaw pa!"

Kinabahan si Illyza sa sinabi nito. Unang araw niya sa trabaho ngayon, inaamin niyang hindi siya sanay sa ganitong trabaho but she will do everything para sa anak niya at sa sarili niya.

This is the beginning of her new life. From one of the famous Filipino actress to a waitress, wala namang masama. Isa itong marangal na trabaho and she's proud of it.

"Pero okay lang kaya na nasa opisina ng Señora ang anak ko? Baka disturbo lang iyon do'n. Pwede lang naman dito sa locker room ang bata, dala ko naman ang stroller niya, titignan-tignan ko lang paminsan-minsan. Para kasing nakakahiya, unang araw ko pa naman dito."

Nakangising nilingon siya ni Mihira. "Ano kaba! Ayaw mo no'n? Instant yaya ng anak mo ang amo natin! Cool kaya..."

"Ano namang cool do'n? Ang sabihin mo nakakahiya!"

"Aysos! Wala lang 'yon, siguradong hindi na mabobored si Señora do'n."

"Pero—" tinaas ng babae ang isang kamay telling her to stop.

"Wala ng pero-pero Illyza. Sa ngayon kailangan mong kapalan ang mukha mo, walang mangyayari kung puro ka nalang hiya. At saka, sigurado ako okay lang kay Señora 'yon. Siya pa nga ang nag-insist na bantayan ang anak mo..." Hinila siya nito at tinulak sa restroom. "Magbihis kana dahil sigurado ako hinahanap ka na ng manager."

















SERIES 2: Trapped In SadnessWhere stories live. Discover now