Chapter 52: His Thoughts

1.6K 106 96
                                    

Chapter 52: His Thoughts

Phoenix’s Point of View

No one.

No one was able to utter a word. Their silence was the only response they could afford. Lahat sila ay nagkatitigan lang, na tila nag-uusap, na tila iisang tao lang ang iniisip.

“Now, moving on,” it was the Old Man who broke the silence. “If you really consider that student, Freya as a threat then we’ll include her on our list. Pero hindi lang ang Time manipulator, si Callus at ang kasama niya at ang estudyanteng si Freya ang problemang kinakaharap natin sa mga oras na ito. We have a bigger problem.”

Sandaling tumigil ang matandang Professor at hinintay na may magsalita. No one interrupted, unexpectedly. Tumikhim muna ang matanda saka ito nagpatuloy.

“In case you haven’t noticed, numbers of dark---, bad creatures were seen inside the campus. Lost Shadows,… and Claws are some names.” Nagkatinginan ulit silang lahat, iyon lang ang naging tugon nila sa sinabi ni Professor. I’m pretty sure they already heard of this. “There are also reports about them attacking the students.”

“’Yan rin po ang narinig ko sa ibang estudyante, Professor,” it was Drake who spoke first.

“Isang beses po, doon sa bandang gubat ng school, may umatake po sa aking Claws,” dagdag naman ng babaeng Earth guardian.

“Pa’no ka naman napunta sa gubat?” biglang tanong ni Seth, Earth Bearer. Alam ko na ang pangalan nilang lahat sa mga oras na ito, at sigurado ako na bukas ay mawawala na naman ito sa utak ko. Good thing. “May ginawa ka naman, ‘no?”

Napatingin sa akin ang babaeng Earth guardian, saka siya nag-iwas noong tinignan ko rin siya.

“Wala ‘no, tsaka hindi ito problema natin ngayon, Seth. Magseryoso ka nga,” inis na sabi niya kay Seth na katabi niya lang. Napatingin ulit ang babae sa akin pero pinabayaan ko nalang.

“Hindi na natin problema ang Lost Shadows.” Sabi ng matanda at saglit na napasulyap sa akin. “We have Phoenix collecting them.” He half-smiled, as if proud and pleased with what he said.

“I’m sure lahat kami, alam na namin ang tungkol sa mga Claws at Lost Shadows na ito. Tsaka matagal na naming gustong idiscuss ito sa inyo, Professor.” Tumingin si Drake sa mga kasama, na tila nagdadalawang-isip na ituloy ang sasabihin, saka nagpatuloy. “Bakit po ba nangyayari ang mga ito?”

The Old Man smiled, as if expecting the question.

“Nakapagtataka nga po ang mga nangyayari ngayon, itong biglaang sulputan ng mga Claws,” saad ni Mina bago pa nakapagsalita ang Professor. “Saka ‘diba secured naman ang buong perimeter fence ng Peritia?” Tumango-tango ang iba.

“Yes. We also have the Wards monitored from time to time. Kaya paniguradong hindi basta-basta makakapasok ang mga Claws o ano pang nilalang sa Hall of Switch.” Sabine added, I saw Tara rolled her eyes while Sabine was talking.

“Pinagsama-sama ang kapangyarihan nating anim mabuo lang ang mga Wards, kaya hindi rin basta-basta masisira ang Wards gamit ang ordinaryong kapangyarihan lang,” saad naman ni Drake.

The Wards. They’re talking about the Wards again. Ang Wards ang isa sa mga ayaw na ayaw ko sa paaralang ito. Walang sino man ang nakakaalam sa sikreto ko tungkol sa Wards, maging ang matandang Professor ay hindi alam ito.

Ang Wards ay isang invicible Wall, invicible ito sa mga mata ng mga mundane o normal na mga tao. Kahit ang mga Peritians at ang mga bearers na siyang gumawa ng Wards ay hindi ito nakikita. Except me. I can see them. I can see the Wards.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon