Chapter 14: Nemesis

3.6K 170 6
                                    

Chapter 14: Nemesis

Freya's Point of View


Nag-iwas ako ng tingin sa kanila, napalunok na lamang ako. "Ano kasi."

"Ano?" Phoenix countered impatiently.

"N-Nadapa ako," hindi kumbinsido ang dalawa sa sinabi ko. Naiinip na nilapitan ako ni Phoenix, his cold eyes fixated on me.

Hinawakan niya ang kaliwang braso ko at pinatayo ako. May kung ano akong naramdaman noong hinawakan niya ako, para itong enerhiya na galing sa kanya at dumaloy sa katawan ko. Tsaka niya ako hinila kaya nagpatangay na lamang ako. Napahinto ako sa kinatatayuan ko at lumingon sa aking likod. Naiinis akong binitawan ni Phoenix.

Hindi parin ako makapaniwala, wala akong nabanggang invisible wall. Nakalagpas ako sa wards!

Naningkit ang mata ko dahil nakikita ko ngayon sa likuran ko ang wards, ang itsura ng wards. Para itong makapal na transparent na salamin. Tumingala ako dahil sa taas ng wards, parang abot ito hanggang kalangitan.

"Ano, tutunganga ka lang dyan?" naiinip na tanong ni Phoenix at nauna nang maglakad, iiwan na naman kami.

Napatingin ako kay Ada no'ng hawakan niya ang wrist ko. Nagtatanong ang kanyang mga mata. "Okay ka lang?"

Tinanguan ko si Ada bilang tugon. Binalik ko ulit ang tingin ko sa taas, hindi ako makapaniwala sa nakikita kong wards.

Napansin kong tumingala rin si Ada, nagtataka. "Anong meron sa taas?"

"Wala ka bang nakikita?" tanong ko pa. Nagpalinga-linga siya sa paligid.

"Ang alin?" hindi niya nga alam o nakikita ang wards. Pero bakit nakikita ko ang wards?

"Wala, tara na. Umuusok na naman ang ilong ni Phoenix, baka maiwan na naman tayo," bahagyang napangiti si Ada sa biro ko at tumango.

"Pabili nga po ng band aide ate, para sa puso kong sinugatan niya."

"Ako po, paload ate. 10 pesos po, para matext ko naman siya. Kahit hindi naman nagrereply."

Napatingin kami ni Ada sa sari-sari store na nadaanan namin. Magkasalubong na ang kilay ng tindera dahil sunod-sunod na ang mga costumers niya.

"Pwede ba? Matuto kayong maghintay? 'Yan ang problema senyo eh, hindi kayo marunong maghintay!" bulyaw ng tindera sa mga mamimili.

"Naghihintay naman po ako eh, kahit alam kong wala naman talaga akong hihintayin." Ganti ng babaeng costumer na mugto pa ang mga mata.

Hinawakan ko sa siko si Ada nang nakatingin parin sa mga tao sa sari-sari store. "Mga normal ba sila?" takang tanong ko kay Ada.

Nagkibitbalikat si Ada. "Ewan, mukha naman silang normal. Pero iba ang dialogue nila. Parang ang nonsense."

Binalewala na lang namin 'yon ni Ada at sinundan si Phoenix. Maraming bahay at tindahan pa kaming nadaanan. Pare-pareho lang ang theme ng bahay, gawa sa kahoy at may kalumaan na ang mga ito. Parang ilang taon nang nakatayo ang bawat bahay sa lugar na ito.

Huminto si Phoenix sa tapat ng kulay pulang gate. Kinakalawang na ang pulang gate dahil sa kalumaan. Parang marupok na nga ito. Dito na siguro ang bahay ng Nemesis na sinasabi ni Professor.

Mabait kaya siya? Eh sa pangalan niya palang parang witch na ng Hansel and Gretel ang dating.

Kasing taas ni Phoenix ang gate, kaming mga hindi biniyayaan ng Diyos ng gano'n kabonggang height ay kinailangan pang tumalon-talon para masilip lang ang bahay.

Peritia AcademyWhere stories live. Discover now