Chapter 6: Fountain of Healing

4.8K 167 17
                                    

Chapter 6: Fountain of Healing

Someone's Point of View

"Sa wakas at nakapasok na siya sa eskwelahan," pabulong kong saad sa aking sarili. Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Kahit papaano'y nakaramdam ako ng pag-asa.

Hindi pa huli ang lahat. Alam kong kakayanin niya. Iyon na lamang ang pinanghahawakan ko ngayon.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa aking higaan at tinungo ang malaking bintana. Isang kurap ko lang at bumukas nang kusa ang bintana na tila may kung anong pwersa ang nagtulak dito.

Tinitigan ko ang makulimlim na kalangitan. Tumutugma ito sa kalagayan ko-- namin ngayon.

Napasulyap ako sa aking kaliwa nang makarinig ako ng yapak ng paa. Bumukas ang pinto ng aking kwarto. Hindi ko na kailangang lumingon para kilalanin kung sino ang pumasok sa kwarto ko.

Tumawa siya nang mahina. "Tatakas ka?" bahagya ulit tumawa ang lalaki sa likod ko. "Alam mong hindi mo kaya at masyado ka nang mahina para gawin 'yon."

Napangiti na lamang ako nang mapait.

------

Freya's Point of View

Sa aming paglalakad ay napunta kami sa field. Masyadong malawak ito at nakakarelax ang pagkaberde ng mga well-trimmed na Bermuda Grass.

Una nang naglalakad si Cliff sa amin. Magkatabi kami ni Sab sa paglalakad habang nasa likod naman namin si Noodle na karga parin si Ada.

Napansin kong may humarang na tatlong babae kay Clifford. Ang isa ay medyo chubby, petite naman ang isa na may curly hair. At ang pangatlo naman ay matangkad at katamtaman lang ang katawan. May mataas at bagsak siyang buhok, nag-palmolive ata.

"Hi Cliff!" magkasabay na bati ng tatlo. Sabine and I stopped walking, we were a meter away from Clifford.

I gave the three of them a long look. Napansin nila ako at binalik din ang tingin kay Cliff.

"P-para sa'yo pala Clifford ko," malumanay na saad ng babaeng matangkad at inabot ang parang papel na may disenyong pink stuffs at mga nakakadiring heart. May nakita pa akong parang kiss mark sa papel.

"Chocolates Cliff oh, I bought them for you," the girl with a curly hair said. Kumurap-kurap pa siya na tinatawag nilang 'beautiful eyes.'

"Ito naman ang cookies Cliff, ako talaga nagbake niyan para sa'yo." Nahihiyang alok ng chubby girl sabay kagat pa sa ibabang labi niya.

Tinanggap ni Cliff isa-isa ang inalok ng tatlong babae. "Salamat," sabi niya at bigla nalang kinilig ang tatlong babae.

Bumalik na sa paglalakad si Cliff at naiwan ang tatlong babae na hindi parin makaget-over sa kilig. Nakita ko pa si Sabine na umirap.

Pag ginawa ko 'yon kikiligin din kaya ako? Napasmirk nalang ako.

Binilisan na namin ang paglalakad at dumaan sa isang hallway. Mas marami ang estudyante rito at kung marami ang estudyante, marami rin ang mga tsismis ng mga bubuyog.

Isa itong magical school pero parang ordinaryong mga tao lang ang nandito. Nakasuot sila ng uniform na parang normal na estudyante.

"Ang Sacred Beast of Aqua. Bakit niya ginagamit ang full form nito?" napalingon ako kay Noodle nang marinig ko ang sabi ng babaeng nadaanan namin.

"Sino 'yang dalawang kasama ni Bearer Sabine?"

"Anong nangyari sa kanila?"

"Bakit walang malay ang isa?"

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon