Chapter 25: Sharp

3.4K 179 13
                                    

Chapter 25: Sharp

Freya's Point of View

Nararamdaman ko ang mga matitigas na bagay na inaapakan ko ngayon — mga ugat. Ang inaakala kong lupa ay binabalot na ngayon ng mga ugat. Para akong nakakulong sa isang kuwarto, ang ipinagkaiba lang ay ang apat na ding-ding pati na ang kisame ay pinupuno ng brownish at malaberde na mga ugat.

Humugot ako nang malalim na hininga at iginala ko ang aking mata sa paligid. Kumunot ang noo ko nang may napansin akong bagay na nakadikit sa pader. The hair in my arms tingled as I started walking. This place is really eerie to the bones.

Lalo lang akong nagtaka noong nalaman ko kung ano ang bagay na iyon — isang wall clock. Isang malaki at makalumang wall clock na nakadikit sa pader. Saglit kong pinakiramdaman ang aking paligid at mas lumapit pa habang nakatingala.

Dahil sa kalumaan ay kinakalawang na ang orasang ito. May pagkaberde na rin kung titignan ito dahil sa mga dahon at ugat na umieksena sa itsura nito.

Hello,” a very deep feminine voice boomed and echoed through the air. It sent chills to my bones, icing my body.

“Sino 'yan?” nagpalingalinga ako at hinanap ang pinanggalingan ng boses.

Ako ay magbibigay ng tanong sa iyo. Kapag matagumpay mong nasagutan ang tanong na ito,” napatingin ako sa kanan ko dahil sa biglaang paggalaw ng mga ugat at dahon. Rinig ko ang tunog ng pagaspas na dala ng kanilang mga galaw. Para itong mga ahas na naghihiwa-hiwalay. Kunot-noo ko itong pinanood hanggang sa may nakikita na akong pinto. “Maari mong tawirin ang pintong ito at tulungan ang mga kasama mong sagutan ang kanilang tanong na hindi nila magawang sagutan.”

Patuloy ko paring hinahanap ang babaeng nagsasalita pero hindi ko parin siya makita. Tila ba nasa hangin lamang siya.

I never was,..” nagsimula nang maging abnormal ang pagtibok ng puso ko. “...am always to be.”

I closed my eyes and tried to focus. Relax lang, Freya. I shut everything else and just listened. Her words came in echo, entering my mind. Warring for dominance. I laboriously seize each of the words I heard.

No one ever saw me, nor ever will.”

And yet I am the confidence of all.”

“To live and breathe on this terrestrial ball.”

“What, am I?”

May isang minuto ka para sagutan ito,” biglang nabuhay at nag-function ang wall clock na nasa pader. From pointing 12, it started moving clockwise.

Malakas ang kabog ng dibdib ko at sinasabayan pa ito ng maingay na 'tictac!' ng orasan. Napakagat ako sa ibabang labi. The smaller hand was pointing 6 as I opened my mouth to talk.

“Tomorrow,” it went out like a question. “Tomorrow's the answer.” I repeated, adding confidence to my voice

Hindi ko na naririnig ang babae. Nakita ko na lang ang pinto sa pagbukas nito. Nagpalinga-linga ulit ako, does this means my answer's correct?

Peritia AcademyWhere stories live. Discover now