Chapter 21: Top Twenty

3.4K 183 10
                                    

Chapter 21: Top Twenty

School Staff's Point of View

"Marga, sasabay ka ba? Aalis na kami."

Umiling ako habang busy sa pag-aarange ng mga papel sa table ko. "Sige, kayo na lang. Medyo busy pa kasi ako." Tumayo ako at lumapit sa drawer, binuksan ko ito at doon nagkalkal ng kakailanganin ko.

"Hay naku, Marga. Iwan mo na nga muna 'yan, hindi naman 'yan tatakbo eh."

Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa dahil nagsisimula na naman sila sa paulit-ulit na speach nila.

"Oo nga naman Marga, tigilan mo na 'yang pagiging workaholic mo. Sige ka, baka malasing ka niyan."

"Tanga nito, workaholic siya, hindi alcoholic."

"Hoy, tumigil nga kayo... Marga, sinabi ko naman sa'yo na maghanap ka na ng boyfriend. Sige ka, tatanda kang dalaga niyan." I almost stopped sa huli kong narinig.

"Hindi naman po hinahanap ang boyfriend eh. Tsaka, hindi ko po kailangan ng boyfriend, masaya na po ako na may pera ako," I countered while busying myself. Ang ingay ng mga 'to, iniistorbo ako sa ginagawa ko.

"Bahala ka," narinig ko ang pagsara at pagbukas ng pinto. Tumigil ako sa ginagawa at napabuntong hininga nalang.

Ako na lang ang tao dito sa office, tumingin ako sa kawalan. Narinig kong bumukas na naman ang pinto kaya pinagpatuloy ko na uli ang ginagawa.

"Marga!" pakiramdam ko naging erratic ang pagtibok ng puso ko dahil sa boses na iyon. "Ang Dome!"

"Bakit?" tumayo ako at humarap sa lalakeng kararating lang. Pawisan ang kanyang noo, habol niya ang kanyang hininga. At halata sa mukha niya ang pagkataranta.

"Ang Dome, Parcel of Aqua, sa room 107. Sumunod ka," binuksan niya ang pinto at lumabas. Napatingin ako sa mga files sa mesa ko at nakapagdesisyon na iwan ang mga ito. Sumunod ako sa kanya.

"Ano ba kasing problema?" pumasok kami sa Dome at dumiretso sa Parcel of Aqua, binaybay namin ang mahabang hallway. Paminsan-minsan ay patay-sindi ang ilaw sa itaas namin.

Seryoso ang mukha ng kasama ko, hindi niya ako agad sinagot. Halos hindi na ako makasabay sa bilis ng paglalakad namin.

"Ang estudyante sa room 107, delikado siya."

"Delikado sa paanong paraan?" sa pagkakaalam ko nagkakaroon ng initiation ang bawat estudyante ngayon.

"Ang initiation, masyadong delikado ang test na binigay sa kanya." Nakikita ko parin ang pagkabahala sa kanyang mata.

"Paanong delikado? Kenneth, sa pagkakaalam ko hindi delikado ang binibigay na test sa estudyante. Dahil binibigyan lamang sila ng test na kayang-kaya nilang malagpasan. Mga tests na sakto lang sa kakayahan na meron sila," umiling lamang siya sa sinabi ko.

"'Yon na nga ang hindi ko maintindihan Marga eh. Kung bakit gano'n ka delikado ang binigay nilang test sa bata, kailangan natin siyang tulungang makalabas."

I forced myself to nod, wala akong ibang choice kundi ang samahan siya. Narating namin ang room na may label na:

RM 107

May kakaibang pwersa akong naramdaman sa oras na nilapitan namin ang pinto. Walang alinlangang hinawakan ni Kenneth ang doorknob. Akala ko'y bubuksan na niya ito pero bigla nalang siyang napatigil na ipinagtaka ko. 

"Ano pang hinihintay mo, buksan mo na!" nandilat ang mata ni Kenneth, napaawang ang kanyang bibig.

Nagsimula akong kabahan nang unti-unting nag-iba ang kulay ng mukha niya, namumutla. Halos lumabas na ang kulay berde na ugat sa kanyang kamay, na nagsasabing mahigpit ang pagkakahawak niya sa doorknob.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon