Chapter 9: He is Phoenix

3.9K 175 25
                                    

Chapter 9: He is Phoenix

Freya's Point of View

Tanaw ko ang higanteng bahay sa harapan namin. Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa narating namin ang malaking front door. Bahay ba 'to o mansion?

Sa itaas ng mansion ay may maiitim at makakapal na ulap. It continued stretching like a gigantic crow spreading its wings. Madilim na ang paligid namin. Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan noong narinig ko ang malakas na pagsabog ng kulog.

Nagsimula nang bumagsak ang ulan. Bumukas ang malaking front door at mabilis kaming pumasok dito. Ano bang nangyayari? Bakit dito sa north wing lang umuulan? At maaliwalas naman ang south wing, east at west.

Napansin kong umiling si Sabine. "Si Trunks talaga."

Kumunot ang noo ko. "Sinong Trunks? At bakit sa itaas lang ng mansion umuulan?"

"Malalaman mo rin," tipid niyang sagot. Umakyat kami ng hagdan patungo sa third floor. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng pinto.

May naririnig akong sigaw mula sa loob ng kwarto. Pumasok na agad kami sa loob. Malaki ang kwarto. May kabinet sa kaliwang bahagi. Mayroon namang sofa sa tapat ng kingsized bed. May bookshelves din sa kanang bahagi ng kwarto.

May mga chibi na stickers ng batman, superman at iba pang member ng Avengers ang nakadikit sa wall. Sa itsura palang ng kwarto, malalaman mong bata ang may-ari nito. Nagkalat din ang ibang libro at mga school supplies gaya ng crayons, papel at lapis sa sahig.

"Sige na Trunks, kailangan mo nang pumasok---"

"AYOKO!" pagputol ng bata sa sinasabi ng babae. Nakacross arms siya, nakasquat sa higaan habang nakatalikod sa amin.

Napansin ng babae ang pagdating namin. Agad siyang lumapit kay Professor Fross. "Professor, ayaw niya po talaga. Kanina ko pa siya pinipilit pero ayaw niya."

"Sige na, ako na'ng bahala rito." Yumuko na lamang ang babae at umalis.

"Trunks--" banggit ni Professor sa pangalan ng bata. Mabilis na umikot ang bata at hinarap kami. Para akong natamaan ng kidlat sa oras na nakita ko ang kanyang mukha.

Pamilyar sa akin ang bata.

"AYOKO NGA!!!" sa pagsigaw ng bata, gumuhit ang nakakasilaw na kidlat sa labas ng bintana. Sinundan pa ito ng kulog. Matiim niyang tinitigan si Professor Fross.

Nanindig ang balahibo ko dahil habang tumatagal ay lalong lumalakas ang ulan, para na itong bagyo.

"Trunks. 'Wag nang matigas ang ulo," banta ni Sabine na tila naiinis na.

"Sige na Trunks, itigil mo na 'to." Dagdag naman ni Mina. 

Patuloy lang sila sa pakikiusap. Kakaiba ang batang ito, alam kong siya ang may-gawa ng mga kidlat, kulog at pag-ulan. Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit pamilyar siya sa akin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

"Trunks," kakaiba ang naramdaman ko noong binanggit ko ang kanyang pangalan. "Tama na, 'wag ka nang magmatigas."

Kumunot ang noo ng bata nang makita niya ako, tila ngayon niya lang napansin ang presensya ko. Napatayo pa siya sa higaan.

"Ate?"

Nagulat ang lahat noong tawagin akong 'ate' ni Trunks. Nagbago ang ekpresyon ng bata, nawala na ang galit nitong mga mata. Unti-unting  kumalma ang ulan.

"Ate," may kung ano sa tingin ni Trunks. Kumurap-kurap siya. Tumila na ang ulan at naglaho na rin ang makapal na ulap. Napatingin sa akin si Professor Fross, makahulugan ang kanyang tingin.

Peritia AcademyWhere stories live. Discover now