Chapter 36: A Tree-House

2.8K 133 13
                                    

Chapter 36: A Tree-House

Freya's Point of View

Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtakbo ng oras. Nanginginig ang aking kamay na nakatukod sa lupa habang pinagmamasdan ang lalakeng ngayon ay hindi na gumagalaw.

Paulit-ulit na nagrereplay ang pangyayaring iyon, kung paano siya sumuka nang maraming pulang likido. Ang mga mata niyang dilat at tila gulat na gulat.

Nanatili ako sa posisyong iyon hanggang sa naglakasloob akong gumalaw. Noong unang attempt ko na tumayo ay hindi ako nagtagumpay. Masyado akong nanghina.

Siguro ay dahil sa tatlong bagay. Una ay dahil sa mga natamo kong sugat at sa malakas na pagbagsak ko kanina. Pangalawa ay dahil sa enerhiyang naramdaman ko kanina, masyado akong pinagod nito. Pakiramdam ko kinuha nito ang mga natitira kong lakas. At pangatlo ay ang nakita ko, kung paano lumabas mula sa bibig ng lalake ang ganoon karaming dugo.

Sa ilang ulit na subok ko, sa huli ay nagtagumpay rin ako at nakatayo. Agad akong umikot saka dahan-dahang naglakad. Hindi ko na binigyan ng huling sulyap ang mga walang malay na lalake. Lalo na ang lalakeng may hawak na kadena kanina, hindi ko lang magawa.

Habang lumalayo at habang naglalakad ay pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi ko kasalanan ang lahat. Pero pilit akong dinidiin ng katotohanan na nakapatay nga ako.

Gusto ko sanang icheck kanina kung buhay pa ang lalake pero hindi ko nagawa. May posibilidad na buhay pa siya pero mas malaki ang posibilidad na wala na nga siyang buhay, na napatay ko nga siya.

Hanggang ngayon ay nanginginig parin ang aking mga kamay. Hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Naalala ko bigla si Aling Nemesis, siya ang unang tao na napatay ko. At pangalawa ang lalake kanina. At silang dalawa ay namatay sa magkatulad na paraan, sumuka sila nang maraming dugo at diretsong binawian ng buhay.

Noong nasa loob ako ng bahay ni Aling Nemesis, nakaramdam ako nang malakas na pwersa at nakarinig nang malakas na pagsabog. Saka ko nakita si Aling Nemesis na sumusuka ng dugo.

At kanina ay naramdaman ko ang pamilyar at tila parehong enerhiya na iyon. Ang ipinagkaiba nga lang ay mas naramdaman ko kung paano pumasok at lumabas ang eneherhiyang iyon sa pangalawang pagkakataon.

Ako nga ba talaga ang may gawa no'n? Ako nga ba talaga ang pumatay sa kanila?

Napatingin ako sa dalawa kong palad.

Pero hindi pa talaga ako kumbinsido, isa lamang akong mortal. Marami na akong pruweba na nagpapatunay na mortal ako at hindi katulad nila na nabibilang sa Peritia Academy.

Pero kung wala nga akong kapangyarihan, paano ko ipapaliwanag ang pagkamatay ni Aling Nemesis at ng lalake?

At 'yong malalim na sugat nakuha ko mula sa Ravenclaws, paano iyon naghilom at nawala nang basta-basta nalang?

Pati 'yong lalakeng naka-black cloak, ano ang sinasabi niya na kailangan ko siyang tanggapin?

May parte sa utak ko na gusto akong kumbinsihin na wala akong kapangyarihan dahil sa katotohanan na nakapatay ako. Pero may parte rin sa utak ko na unti-unti nang naniniwala na may kapangyarihan nga ako.

I was lost in thought when my eyes caught something from a distance. It was light, may pagka-orange ang kulay nito. Para itong kulay ng apoy.

Saglit akong napatingin sa paligid saka ko tinungo ang ilaw na iyon. Habang naglalakad ay nakatuon lang ang mata ko sa ilaw na nakikita ko. Noong medyo nakalapit na ako, narealize ko na marami pala ang ilaw na ito.

Peritia AcademyWhere stories live. Discover now