Chapter 4: Claws

4.8K 212 26
                                    

Chapter 4: Claws

Freya's Point of View

"Sab, pwede ba natin silang dalhin sa loob?" nag-aalalang tanong ng lalaking may dalang asul na ilaw. Hindi niya pala dala ito, dahil nakalutang ito sa kanyang palad.

"Peritia?" bigla ko na lamang naalala ang sinabi sa'kin ni Ada at ang sinisigaw ng halimaw na peritians.

"Oo, sa Peritia. Magagamot siya roon--" biglang naputol ang kanyang pagsasalita at tumingin sa likuran ko. "Ano 'yon?"

Lumingon ako sa aking likod. Gumagalaw-galaw ang mga dahon at lumabas mula rito ang mga halimaw na humabol sa amin.

"Claws! Mga Claws! A-at tatlo sila!" sigaw ng babae na parang excited, tila kumislap pa ang mga mata nito.

"Delikado tayo! Papasukin niyo na kami sa bahay na 'to! Masama sila, pumapatay sila ng tao!" natatarantang saad ko at pilit na ginising si Ada.

Ngumiti nang malapad ang babae. Nandilat naman ang mata ng lalake. "Sandali lang, Sab. 'Wag mong sabihin sa'kin na--"

"Oo. At hindi mo 'ko mapipigilan Cliff," ngumiti ulit nang malapad ang babae at ilang segundo lang ay bigla na lamang siyang nawala na parang bula.

Nagpalinga-linga ako para hanapin ang babae. May nakita akong ilang patak ng tubig sa sahig ng bahay kung saan nakatayo ang babae kanina.

"Sab! Baka mapahamak ka!" tarantang humakbang ang lalake at patakbong lumabas. Sinundan ko ng tingin ang lalake.

Nakita kong biglaang lumitaw ang babae sa likod ng tatlong nakatayong halimaw. At nakangisi pa ito.

"Hello, friends! Nandito ako..." pilyong sabi ng babae habang nakacrossed-arms. Mabilis na lumingon ang tatlo at walang alinlangan siyang inatake ng mga ito.

Tumalon siya nang mataas para makaiwas sa tatlong magkasabay na atake. Tila nagsplit siya sa ere. Habang hindi pa siya bumabagsak sa lupa, sinipa niya isa-isa ang ulo ng tatlong halimaw. Napanganga na lamang ako sa nakikita.

Umungol ang tatlong halimaw at umatras. Gumulong pa ang isa at 'di na nakabangon.

"Sab! Ako nang bahala sa kanila, umalis na kayo rito!" awat ng lalake at tutulong na sana.

"Huwag kang makialam dito Cliff!" tila naistatwa ang lalaki dahil sa malamig na pagsigaw ng babae.

"ANG SAYA NITOOO!!!" nakangising sigaw ng babae at patakbong sinalubong ang dalawang halimaw.

Walang hirap niyang naiiwasan ang bawat kalmot ng halimaw. Binuksan ng dalawang halimaw ang kanilang bibig at lumabas mula rito ang mga itim na tinik. Iyon ang tinik na tumama sa leeg ng driver ng bus.

"Aaaaahhhhh!" tumili ang babae at natatarantang yumuko. Nailagan niya ang lahat ng paparating na tinik.

Nag-aalalang pinapanood lang ng lalaki ang kasamang babae. Tinatakpan niya ng kamay ang kanyang dalawang mata.

Sinipa ng babae ang isang halimaw. Sumigaw ito sa hindi maintindihang tinig. Hinarap naman ng babae ang natitirang halimaw. Ginamit niya ang kanyang palad, lumabas mula rito ang malaking bola ng tubig.

Ang bola ng tubig ay tumama sa katawan ng halimaw,  narinig ko pa ang tunog ng tila pagyanig ng lupa.

Umungol ang halimaw at umatras. Nabangga ang likod nito sa malaking puno.

Namangha na lamang ako habang pinagmamasdan ang tatlong katawan ng mga halimaw sa lupa.

Nagpagpag ang babae at ngumiti. Nangunot ang aking noo nang makita ang sunod na nangyari sa mga halimaw.

Peritia AcademyWhere stories live. Discover now