Chapter 16: Labyrinth

3.5K 173 29
                                    

Chapter 16: Labyrinth

Freya's Point of View

There were six of them. They cocked their heads as if confused. Wondering what they're seeing. Then seconds passed, each of them snarled. Letting out their jagged teeth.

Biglang nagflashback sa akin ang pangyayari sa bus. Ang driver namin na namatay dahil sa tinik na nakatusok sa kanyang leeg. Duguang katawan ng mga kasama kong estudyante na wala nang buhay.

Ang pagsabog ng bus.

Nanginig ang kamay ko na nakahawak sa cellphone. I felt lump swelling in my throat. Humakbang ako paatras, naapakan ko ang mga tuyong dahon na lumikha ng malutong na tunog.

Magkasabay na sumigaw at umungol ang mga Claws. Hindi na ako nagdalawang isip pa, kumaripas ako ng takbo.

Hindi ko magawang lumingon sa likuran ko dahil alam kong nakasunod lang sila. Halos madapa na ako sa pagtakbo ko. Lumiko ako sa kaliwa, diretso lang ang tingin ko sa daan.

Baka ito lang ang ikamatay ko!

Ang sakit na ng dibdib ko sa kakatakbo, nanlalambot na ang tuhod ko.

Naka-on parin ang flashlight ng cellphone ko, sumasayaw ang ilaw nito sa paligid habang ako'y tumatakbo. Nakaawang na ang bibig ko habang hinahabol ang aking hininga.

Napasigaw na lamang ako nang hawakan ng isang Claws ang kanang binti ko. Nanindig ang balahibo ko dahil sa nakakadiring haplos ng kamay nito. Nadapa ako at sumubsob sa lupa.

Agad akong umikot at umupo, saka ko sinipa sa mukha ang Claws na humawak sa binti ko. Para kong sinipa ang marurupok na sanga ng kahoy. Sumigaw sa sakit ang Claws at binitawan ako.

May nakita akong bato, sakto lang ang laki nito. Inabot ko ang bato at agad na tinapon sa isang Claws. Tinamaan ito sa kanang balikat.

Tumayo ako at bumalik sa pagtakbo bago pa ako maabutan ng iba pang Claws. Rinig ko ang mga palahaw ng humahabol sa akin, lalo lang silang nagalit at nainis.

Tagaktak na ang pawis ko. Kumurap-kurap ako at nakaramdam ng kaunting hapdi dahil dumaan sa loob ng mata ko ang butil ng aking luha.

Nagpalinga-linga ako sa mga nadadaanan ko, nag-iisip ng paraan kung paano ko sila matatakasan.

Lumiko ako sa kanan at biglaan nalang nabangga ang mukha ko sa malambot at malaking bagay. Nagbounce ang katawan ko sa aking nabangga kaya ako napaupo sa lupa.

Lumingon ako sa likuran ko dahil alam kong maabutan na nila ako.

Tumingala ako at nandilat nalang ang mata ko sa nakita. The giant bear jerked its head rightward. Nagtataka ito nang makita ako. Nakatayo siya na parang isang tao.

Doon ko napagtanto na pamilyar sa akin ang bear na ito, hindi lang pamilyar dahil kilala ko ang brownish bear na ito.

"N-noodle?!" gulat na sigaw ko.

Kahit pa tila nagtataka ang kanyang mga mata, nag-iwas siya ng tingin at ibinaling ang atensyon sa likuran ko. Lumingon ulit ako, nakatayo na sa likod ko ang mga humahabol sa'king Claws, at galit ang mga tinging pinupukol nito sa'kin.

Umikot ako at dahan-dahang umatras. Palipat-lipat ang tingin ko kay Noodle at sa mga Claws. Kakaiba rin ang tinging binibigay ni Noodle sa mga kaharap, tinging nanghahamon.

"GRRRAAAWWWWRRRR!!!" noodle growled ferociously, like a lion protecting its territory.

Napaatras ang mga Claws dahil doon. Pero tila hindi sila nagpadala. Each one of them snarled, as if preparing for a fight. Napatingin ang dalawang Claws sa akin na ngayon ay nakatayo na sa likod ng bear na si Noodle. Tila nainis sila dahil nagtatago ako sa likod ng isang bear.

Peritia AcademyWhere stories live. Discover now