Chapter 45: Luke E. Castillion

1.3K 79 12
                                    

Chapter 45: Luke E. Castillion

Sabine's Point of View

Bago pa kami nakalabas ng Mansion ay napansin kong kasama pa namin si Trunks. At tila malalim pa ang iniisip ng batang ito.

"Trunks, ba't ka pa nandito?" napahinto si Mina at Clifford sa paglalakad. "Gabi na, bumalik ka na sa Mansion, tsaka delikado ang pupuntahan namin."

"Delikado po? 'Diba sa gubat lang kayo pupunta?" napakainosente ng boses maging ang mukha ng batang ito.

"Oo sa gubat, madilim do'n Trunks, tsaka may mga halimaw ro'n." Sabi ni Mina para makaalis na kami, pero parang hindi naman ito tatalab kay Trunks.

"Sasama po ako! Tsaka kung may halimaw man, kasama ko naman ko kayo. Lakas n'yo kaya." Maglalakad na ulit sana si Trunks pero pinigilan ko siya.

"Trunks hindi ka sasama, delikado sa gubat. At lagot kami kay Professor pag nalaman niya 'to eh," nahagip ng mata ko si Cliff na tila naiinip na.

"Sasama ako."

"Hindi." Diretso kong sagot. Sandaling tumahimik si Trunks saka siya yumuko. Nagkatinginan pa kaming tatlo ni Mina at Cliff.

Maya-maya lang ay narinig namin ang pag-ihip nang malamig na hangin at ang pagkulog ng kalangitan.

"Uulan pa yata," inip na saad ni Cliff habang nakatingin sa kalangitan. Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig.

"Sige na nga," tinignan ako ni Trunks at malapad ang ngiti nito. "Basta 'wag kang makulit."

"Okay po ate," nagtatalon-talon si Trunks at nauna na itong maglakad. I saw Cliff sighed.

Tumingala ako sa itaas, wala na ang nagbabadyang ulan at bumalik na rin sa normal ang lamig ng paligid. We then wound our way.

Hindi kami sigurado kung anong direksyon o kung saang parte ng gubat kami pupunta. Ang hawak lang namin ngayon ang dark energy na iyon. Hanggang ngayon kasi ay nag-eemit parin ito ng kakaibang pakiramdam.

Nauunang naglalakad si Trunks sa aming apat na tila alam niya pa kung saan pupunta.

"Dito po ang daan, mga ate, kuya," nagkatinginan lang kaming tatlo at sinundan ang turo ng bata. Nararamdaman ko rin na ang daang tinuturo ni Trunks ay patungo doon.

Napansin ko rin na pangiti-ngiti si Trunks habang naglalakad na tila neexcite pa ito. Nagpatuloy kami sa paglalakad, palakas nang palakas ang intensity na ito.

May nadatnan kaming natumbang malaking puno, nagpatuloy lang kami at dinaanan ang punong nakahiga sa lupa na tila binunot ito ng higante. Hanggang sa narating namin ang parte ng gubat kung saan naputol ang mga puno.

Ang parte ng gubat na ito ay nagform ng malaking bilog na malinaw na sa mga malalaking puno at mga damo at halaman. Ang ibang puno ay naputol sa kalahati. Ang karamihan naman rito ay tila binunot at tinipon sa gilid.

"What happened her?" pabulong na tanong ni Mina habang nakatingin sa paligid. Nagkalat kaming apat sa paligid. May napansin ako sa lupa kaya ako napayuko.

Pinulot ko ang isang itim na bato at tinitigan ito. I slightly rubbed my thumb against its rough surface. May kumapit na itim na dumi sa aking hinalalaki na parang uling ang hinahawakan kong bato.

"Ba't parang nasunog 'tong gubat?" kunot-noong tanong ni Cliff. He was down, inspecting the ground.

"I agree," napatingin kami kay Mina. "But I guess it's more than that."

"It's more than fire," sabi ko sa kanila. Mahina lang ang boses naming tatlo. Nahagip ng mata ko si Trunks, patingin-tingin lang. "I mean, look at these trees at maging iyong mga halaman. They're oddly placed. It's like their wiped out. In just a flick of a finger this happened, it's like a---"

Peritia AcademyWhere stories live. Discover now