Chapter 50: Connecting the Dots

1.6K 101 28
                                    

Chapter 50: Connecting the Dots

Freya’s Point of View

“Freya,…”

“Freya,…” nagising ako dahil sa marahang pagyugyog sa akin. Sa pagdilat ko ay sumalubong sa akin ang mukha ni Luke at Trunks. Hindi naman masakit ang ulo ko kaya nakapag-adjust din ako sa paligid.

Nakaupo ako sa ugat ng puno at nakasandal sa katawan nito. Wala na kami sa loob ng library ngunit nandito parin kami sa gubat.

“Anong nangyari?” tanong ko at inayos ang pagkakasandal. Nakatayo lang pareho si Trunks at Luke sa harapan ko. Saka ko pilit na inalala ang nangyari kanina. Bigla nalang akong nakaramdam ng hilo saka ako bumagsak.

“Kinakausap lang kita kanina tapos bigla ka nalang nahimatay,” agad na pahayag ni Luke. “Diba Trunks?” tumango naman si Trunks.

“Anong sunod na nangyari?” tumingin ako sa paligid. “How did we end up here?”

“Ewan ko, pagkatapos mong mahimatay, biglang dumilim ang paligid, wala akong makita.” Saka ko naalala na narinig ko pang sumigaw si Luke bago ako tuluyang nawalan ng ulirat. “Akala ko kung ano nang nangyari, tapos bigla nalang tayong napadpad dito. Ang bilis ng pangyayari, para tayong nagteleport palabas ng library.”

Napaisip ako sa sinabi ni Luke. Kaya pala hindi ko na nakikita sa paligid ang library.

“Baka dumating ‘yong may-ari o nagbabantay ng library at nahuli tayo. Kaya tayo pinalayas,” Luke commented.

“Iyon din ang iniisip ko---“

“Si ate Freya dahilan kaya tayo napaalis sa library,” pagputol ni Trunks sa akin. Napatingin kami pareho ni Luke kay Trunks.

“Bakit ako?”

“Diba nga ate, ginamit natin kapangyarihan mo para mahanap ang Library?” naalala ko bigla ang inutos ni Trunks na gawin namin. Hinawakan ko lang ang kamay ni Trunks at Luke saka ako nagconcentrate. Tumango na lamang ako. “Hindi kasi namin kayang makita ni kuya Luke ang library kung hindi mo kami pinahiram ng kapangyarihan mo. Ikaw lang ate ang kayang makita ang library.”

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Trunks. Kung ganoon ako nga ang dahilan kung bakit nakita ni Luke at Trunks ang Library.

“It makes sense,” seryosong komento ni Luke, halos pabulong na ang pagkasabi niya. Ang tahimik ng paligid at pati mga insekto ay tila nakikisabay sa usapan naming tatlo. “May naramdaman akong kapangyarihan na pumasok sa katawan ko noong hinawakan mo ako Freya. At ikaw lang din ang nakabukas sa pinto ng library na walang doorknob. Kaya possible nga na ikaw ang dahilan kaya nakapasok kami ni Trunks sa library. Pero anong koneksyon no’n sa biglaang paglabas natin sa library?”

“Nawalan ako ng malay,” saad ko na malalim ang iniisip. “At kung ako nga ang dahilan kaya nakapasok kayo sa library. Ako rin ang dahilan kaya bigla tayong napalabas.”

“I see,” tumatango pa si Luke. His right hand was on his mouth while biting his nails, as if thinking hard. “Nawalan ka ng malay kaya parang nagshutdown panandalian ang kapangyarihan mo, at napalabas tayo. Galing ka lang ng infirmary kanina kaya at dahil siguro sa pagod kaya ka nahimatay.”

Sandali kaming naging tahimik tatlo. Maya-maya lang ay biglang tumunog ang tiyan ni Trunks. Napahawak siya sa tiyan at napapakamot pa ito.

“Pero teka nga lang Trunks, bakit si Freya? I mean, bakit may kakayahan si Freya na makita ang library at makapasok at ikaw hindi? Considering na isa kang stone bearer.” Nagulat ako kay Luke. Bakit masyado niyang dinidibdib ang nangyari? Masyado niyang binibigyan nang malalim na pag-iisip.

Peritia AcademyWhere stories live. Discover now