Chapter 40: Big Black Wolf

2K 130 20
                                    

Chapter 40: Big Black Wolf

Freya’s Point of View

Nakatingin lang ako sa likod ni Phoenix noong nagmadali siyang umalis. Hindi ko rin alam kung bakit parang abnormal itong puso ko habang nakatingin sa kanya. Ang weirdo rin ni Phoenix, hindi ko rin magets ang sinabi niyang tawagin ko.

I then found myself smiling because of how he acted lately.

Saka ko naalala si Ada at Mitchie. Agad kong nilapitan si Ada na ngayon ay nakahiga parin. Paglapit ko sa kanya ay gising siya. Lumuhod ako.

“Ada, okay ka lang?” I felt stupid for asking that question. Nanghihina niya akong tinignan saka siya tumingin sa paligid.

“N-nasaan na ‘yong babae?” tanong niya at pilit na bumangon. Agad ko naman siyang inalalayan.

“Wala na siya,” napatingin si Ada sa akin. “Natalo mo siya Ada.”

“Pero---”

“Huwag ka munang magsalita,” ngumiti ako.

“Si Mitchie?” nandilat ang mata ko sa naalala. Si Mitchie pala!

Tatayo na sana ako nang biglang tumunog ang napakalakas na siren. Para itong signal tuwing may tsunami or sunog.

Kasunod no’n ang paglitaw ng kulay asul na ilaw sa harapan namin. Noong una ay isang ilaw lamang ito hanggang sa may lumitaw na namang isa at naging lima na ang mga ilaw. Separated ang mga ilaw sa iba’t-ibang parte ng gubat.

Ang asul na ilaw ay unti-unting lumaki hanggang sa singlaki at taas na nito ang isang tao.

Sa ilaw ay sunod-sunod na iniluwa ang mga estudyante. Na parang isang portal. Nakasuot ng uniporme ng parang nurse ang mga estudyante at dali-dali nilang nilapitan ang lahat ng estudyante na walang malay sa lupa.

Isa-isa nilang inihiga sa emergency na higaan ang mga estudyante.

Sunod na iniluwa ng asul na liwanag si Sabine, nag-aalala pa ang kanyang mukha na nilapitan kami ni Ada.

“Okay lang kayo? Ada? Okay ka lang?” tumango naman kami ni Ada.

“Pasensya na talaga, hindi kasi agad namin nalaman na may nagtress pass sa stage 2. Nalaman namin ito sa oras na natapos ang laro.” Klaro talaga sa mukha ni Sabine ang pag-aalala. “Ngayon ay iniimbestigahan na kung sino ang nag-attempt na isabotahe ang laro.”

Tumango lang kami ni Ada. Hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin kay Sabine ang tungkol kay Matilda, dahil sa tingin ko part naman ng laro si Matilda. Pero pwede rin namang hindi at pwede ring siya ang taong nagtress pass sa stage 2. Or nag-ooverthink lang ako.

Natapos ang laro, marami ang sugatan kaya diretso na kaming pinapunta sa infirmary, at kung wala ka namang sugat ay pwede ka nang bumalik sa room mo. Dumiretso na ako sa room ko, si Ada at Mitchie ay nasa infirmary na. Noong una ay ayaw pa sana ni Ada na pumunta ng infirmary dahil okay na raw siya, pero pinilit ko siya at pinagalitan kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumunod.

***

Kinabukasan, pinalabas na sa infirmary si Mitchie at Ada dahil naging okay rin agad sila. Napagkasunduan nga naming dapat ay sabay kaming maglunch. Kaya kahit malayo ang lalakarin ni Ada galing mansion papuntang cafeteria ay nagpunta parin siya sa lunch time.

“Pero seryoso Freya,” sumubo ng kanin si Mitchie saka siya humigop ng sabaw. “Ano ba talagang nangyari? Pa’no mo natalo ang babaeng ‘yon?” tanong ni Mitchie habang patuloy na nginunguya ang kinakain niya.

“Si Ada nga tumalo sa kanya,” pag-uulit ko habang hinihiwa ang ulam ko. Pag hindi pa tumigil itong si Mitchie sa kakatanong siya talaga hihiwain ko.

Peritia AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora