Chapter 10: Journal

3.8K 185 6
                                    

Chapter 10: Journal

Freya's Point of View

"Sigurado ka ba talaga Drake?" for the 1000nth time na tanong ni Sabine kay Drake. Halata na sa boses niya ang pagod at inis. Pawisan na rin kaming lahat.

"Oo sigurado ako, nakita ko siyang dumaan dito," sagot ni Drake na nauna sa paglalakad. Katabi ko ngayon si Sabine na nakasimangot at katabi naman ni Mina si Drake.

"Eh kanina pa tayo lakad nang lakad dito. Tignan mo anong oras na!" reklamo ulit ni Sabine. Napatingin naman sa wristwatch si Mina.

"Mag-aala una na. Gutom na 'ko," saad ni Mina. Nasa gubat ng school na kami ngayon, palakad-lakad. Dito kasi kami dinala ng Seth na 'yon. Nangangati na rin ang braso ko dahil sa mga dahon.

"Asan na ba kasi 'yong lalaking 'yon?" hindi ko na rin mapigilang magreklamo. Napacross arms nalang ako.

"Ssssshhhh!" dinikit ni Drake ang hintuturo sa kanyang labi. Tinaasan lang siya ng kilay ni Sabine. "Narinig niyo 'yon?"

Huminto kaming apat sa paglalakad. Kumunot ang noo ni Mina. Magsasalita sana ako nang may narinig akong kaluskos. May mga yapak din ng paa.

"Nandito lang siya," naging alerto kaming lahat sa sinabi ni Drake.

"Maybe he's doing it again, pero hindi ba forbidden pa sa ngayon ang duel?". Mina asked. Nagshrug lang si Sabine at nagpalinga-linga parin si Drake. Anong duel ba sinasabi nila?

Naririnig parin namin ang yapak ng paa. Patingin-tingin na rin ako sa paligid, sa mga malalake at matataas na punong kahoy. May mga vines pa ang pumupulupot dito. Napaangat ako ng ulo nang may marinig akong boses.

"Hahaha! Talo ko na kayo!" nang-iinis na sigaw ni Seth. Nakatayo siya ngayon sa matayog na sanga ng puno sa itaas. Nakasuot nang nakakalokong ngiti. Nakatingin siya sa amin na ngayon ay nasa ibaba niya.

Lalapitan ko sana ang punong kinatatayuan niya para sigawan siya pero hindi ko magawang igalaw ang paa ko. Nangunot ang noo ko at napatingin sa paanan ko.

"Naisahan niya tayo!" usal ni Sabine at sinubukang gumalaw. Kagaya ko, hindi na rin nila maigalaw ang kanilang mga paa dahil nakalibing na ito sa lupa mga five(5) inches.

Nakatingala na kaming lahat. "Seth, alisin mo 'to! Ayaw ka naming patulan!" pakiusap ni Drake pero tumawa lang ang lokong Seth.

"Ayoko nga! Hinahamon ko kayo ngayon ng Duel!" pagmamatigas niya at nagcross arms pa.

"Alam mong pinagbabawal pa ni Professor Fross sa atin ang Duel. Please bumaba ka na. Kailangan namin ng tulong mo para sa wards. At alam mo ang ibig sabihin no'n, Seth nasira ang wards!" seryoso ang mukha ni Mina noong sinabi niya ang mga katagang iyon. Nagbago ang ekspresyon ni Seth at tila napaisip pa ito. Pero sa huli ay umiling lang siya.

"Diba may kapangyarihan kayo? Labanan n'yo siya!" nakaramdam ako ng pagkaguilty sa oras na lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ko. Alam kong wala akong karapatang utusan sila at isa pa nanghihimasok lamang ako dito.

"Hindi pwede Freya, pinagbabawal 'yon ni Professor sa'min," sagot sa'kin ni Sabine.

"Ano na? Mag-uusap lang kayo? At sino 'yang bagong kasama niyo?" cold kong tinignan sa mata si Seth. "Bahala kayo," ngumiti ulit siya nang nakakaloko at nagconcentrate.

Maya-maya lang ay unti-unti na kaming lumulubog. Ano ba kasi 'tong mga kasama ko, ba't hindi nila patulan ang tarantadong Seth na 'yan?

Pag ako nagkaroon ng kapangyarihan lagot sa'kin ang lalaking 'yan.

Peritia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon