Chapter 35: That Familiar Energy

2.7K 124 24
                                    

Chapter 35: That Familiar Energy

Freya's Point of View

Narinig ko ang mga yapak ng kanyang mga paa, papalapit siya sa aking kinatatayuan. Rinig na rinig ko rin ang mga malulutong na daing ng mga tuyong dahon at sanga ng kahoy sa tuwing naaapakan ang mga ito.

Napakagat na lamang ako ng labi. Hinawakan ko ang aking dibdib para pakalmahin ang walang humpay na malakas na pagkabog nito.

Nagpatuloy sa dahan-dahang paglapit ang lalake sa akin. Hanggang ngayon ay nakasandal parin ako sa puno, hindi ko magawang gumalaw sa aking posisyon. Tila napako na ako rito.

Sinubukan kong magconcentrate at nag-isip ng paraan kung paano ko matatakasan ang lalaking ito ng hindi lumalaban. At kung harapin ko man siya, alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kaya sa lebel niya. At kitang-kita iyon ng dalawang mata ko kanina.

Come on, Freya think! Think please!

Ginamit ko ang peripheral vision ko para tignan ang bandang kaliwa ko dahil mukhang dito siya patungo.

Nagpatuloy siya sa paglalakad.

Tila timebomb ang aking dibdib na mayamaya lang ay sasabok na sa kaba.

Bilang ko ang bawat segundong dumaan.

Napapikit na lamang ako noong naging buo na ang desisyon ko. Okay, kaya ko 'to!

Pagbilang kong tatlo...

Isa ...

Hinanda ko na ang aking sarili.

Dalawa ...

Okay, here goes nothing.

Tatlo!

Tatakbo na sana ako nang marinig ko siyang magsalita.

"Nah, forget it," huminto siya sa paglalakad. Naghintay ako sa susunod nitong sasabihin. Halos pigilan ko pa ang aking hininga sa paghihintay. "I've got nothing to do with you anyway." Malakas parin ang kabog ng aking dibdib sa mga oras na ito.

Narinig ko kung paano siya tumalikod at naglakad. I can hear his footsteps getting away from where I'm standing. Ilang segundo ay narinig ko ang pagtigil ng kanyang paglalakad.

"Oh, and by the way," medyo humina nang kaunti ang kanyang boses, pruweba na medyo nasa ilang distansya na siya mula sa akin. Pero hindi parin iyon naging sapat para mawala ang kaba sa aking dibdib. "If you want to pass this stage, pinapayagan kitang kunin 'yon mula sa mga natutulog na mga ito. Kung may hawak nga sila." Pagkatapos no'n ay narinig ko siyang umalis.

Sinigurado kong tuluyan na siyang nawala sa paligid bago pa ako nakahinga nang malalim. Napapikit ako at napalunok sa aking nanunuyong lalamunan.

Noong medyo normal na ang kabog ng dibdib ko, dahan-dahan akong gumalaw at sumilip. Nakumpirma kong wala na nga talaga sa paligid ang lalaking iyon.

Tumingin ako sa paligid at baka may nakakita o nakabantay sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa apat na lalaking nakahandusay sa lupa.

Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Castro, umalingawngaw ito sa aking isip.

"If you want to pass this stage, pinapayagan kitang kunin 'yon mula sa mga natutulog na mga ito. Kung may hawak nga sila."

Anong 'yon naman kaya ang sinasabi niya?

Maingat ang aking paghakbang, sinusubukang hindi makalikha ng masyadong ingay hanggang sa tuluyan na akong nakalapit sa kanila.

Ngayon ay nakatayo na ako malapit sa kanila, pero nagmaintain ako ng isang metrong agwat. Iba na rin ang maingat.

Peritia AcademyWhere stories live. Discover now