Chapter 30: A Bull's-eye

2.9K 138 29
                                    

Chapter 30: A Bull's-eye

Freya's Point of View

Tinignan ko ang paligid, rinig ko ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko na nakikita ang mga estudyanteng kanina ay nakapalibot sa akin. Maging ang instructor sa training namin ay hindi ko rin nakikita. Ako at tanging ang taong nasa harap ko lang ang nandito sa mga oras na ito.

Ang kaninang mga ulap at maaliwalas na araw sa kalangitan ay nawala na. Unti-unting kinakain ng dilim ang paligid, na tila may nagbabadyang malakas na ulan.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, umaakyat ang lamig mula sa aking paa patungo sa katawan ko. Gusto kong umatras ngunit hindi ko magawa, tila napako na ako sa aking kinatatayuan.

Humugot ako ng lakas ng loob para tignan siya. Nababalot ang buong katawan niya ng itim na 'cloak'.

"S-sino ka?" mahina ang unang dalawang salita na lumabas mula sa aking bibig. "M-magsalita ka, s-sino ka?"

Ilang segundo ang dumaan ng hindi siya nagsasalita. Kanina ko pa gustong makita ang kanyang mukha ngunit hindi ko magawa dahil nakayuko siya at natatakpan ito ng hood.

Hindi ako madaling matakot, ngunit may kakaiba sa taong ito. Malakas ang pakiramdam ko. Kung tao nga ang kaharap ko ngayon.

Napalunok ako bago ulit nagsalita.

"Bakit mo 'ko sinusundan? Anong kailangan mo sa'kin?"

I heard him chuckled, as if there was funny about my asking.

"Ako nga ba ang may kailangan sa'yo? Hmmm..." narinig ko siyang nagsalita. Gumalaw pa saglit ang kanyang ulo na tila may iniisip. "O ikaw ang may kailangan sa'kin?"

Kumunot lamang ang noo ko sa aking narinig.

"Ah tama, ako nga ang may kailangan sa'yo," pamilyar ang kanyang boses. Alam kong siya ang narinig ko kanina noong gumising ako. Ang malamig na boses ng lalake na umalingawngaw sa tenga ko. "Pero, ewan..."

"Magpakilala ka, sino ka? At bakit mo ako dinala rito?" pag-uulit ko sa aking tanong. Sa loob ko'y gusto kong ngumiti dahil sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob. Naramdaman ko ang pag-iba ng ihip ng hangin.

"Freya," lalong lumakas ang hangin sa oras na binanggit niya ang pangalan ko. Tila tinutulak na ako ng hangin sa lakas nito. Ang kanyang malamig na boses ay umalingawngaw sa paligid. Kakaiba ang dala ng boses na ito, boses ng taong papatay.

"Kailangan mo na akong tanggapin..."

"Anong tanggapin? Para saan? Hindi kita naiintindiha---"

Naputol ako sa aking pagsasalita nang bigla na lamang siyang naglaho sa aking harapan. May naiwan pang maitim na usok mula sa kinatatayuan niya kanina hanggang sa pati ito ay naglaho rin.

Umikot ako at nagpalinga-linga sa paligid para hanapin siya. Hindi ko na siya makita. Unti-unti na ring dumidilim.

Napahinto ako nang may naramdaman akong malakas na presensya sa aking likuran. Nanindig ang balahibo ko sa batok.

Nakatayo lamang siya sa aking likuran.

"Freya," ramdam ko ang lamig ng kanyang boses sa batok ko. Ilang inch lang ang distansiya ng kanyang bibig sa batok ko. "Tanggapin mo muna ako, kung gusto mo akong makilala."

Mabilis akong umikot para harapin siya ngunit bigla rin siyang naglaho.

"At gusto ko ring malaman mo," tumingin ako sa aking kaliwa nang bigla na lamang siyang lumitaw, mahina siyang naglakad palapit sa akin nang nakayuko parin. "Hindi ako ang nagdala sayo rito. Ikaw ang nagdala sa akin dito."

Peritia AcademyWhere stories live. Discover now