Chapter 13: Short-tempered Saviour

3.6K 160 14
                                    

Chapter 13:  Short-tempered Savior

Freya's Point of View


Tila bumagal ang pagtakbo ng oras. Kitang-kita ko ang dagger na tatapos sa buhay ko. Parang nagslow motion pati ang paggalaw ng halimaw papunta sa akin. Nag-echo pa ang sigaw ni Ada. Pumikit ako at hinintay ang pagtarak ng patalim sa akin. Katapusan na ng buhay ko.

Ilang segundo pa ang hinintay ko pero wala akong naramdamang kirot. Nagmulat na lamang ako nang makarinig ako ng pagbalibag ng kung ano. Nakita ko ang katawan ng isang halimaw na nakasandal sa puno, at wala na itong buhay.

Sumunod ang ingay ng labanan. Si Phoenix. Sabay-sabay na umatake ang apat na natitirang halimaw sa kanya. Nandilat ang mga mata ko dahil hindi parin ako makapaniwala. Buhay ako! At walang natamong sugat.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I heaved heavily, my eyes both fixated in the scene. Mabilis ang galaw nila, halos hindi na ito masabayan ng mga mata ko.

Walang takot na nakipaglaban si Phoenix. His eyes cold, his moves and attacks are as light as that of an expert fighter. Mahusay niyang iniilagan ang mga dagger ng kalaban as it slice its way to him. Wala siyang ginamit na kapangyarihan gaya no'ng nakita ko bus.

Sinipa niya ang isa, lumipad ito at tumama ang likod sa punong kahoy. Hindi mawala ang takot at kaba ko habang pinapanood siya. He sidestepped at hinawakan ang wrist ng halimaw, saka niya binalibag ito sa lupa. It let out a long and loud screech.

Nawalan na ng ulirat ang apat na halimaw, isa nalang ang natitira. Tumakbo papalapit sa kanya ang natitirang halimaw. Walang ekspresyon lang itong tinignan ni Phoenix, nakapamulsa lang siya habang nakatayo na parang walang pakialam.

Akala ko hahayaan niya lang na atakihin siya nito, pero sa isang kurap ko lang ay nasa likod na siya ng halimaw. Para siyang isang bampira sa sobrang bilis ng galaw niya. Nakita ko pa ang parang shadow niya sa sobrang bilis.

Tila nalito ang halimaw dahil sa biglaang paglaho ni Phoenix sa harap niya. Nasa likod niya na si Phoenix. Hinawakan ni Phoenix ang ulo nito at mabilis na inikot. Tumili ako at napapikit na lamang dahil hindi ko kayang makita iyon.

Narinig ko ang pagbagsak ng halimaw sa lupa. Dinilat ko ang isa kong mata, nakikita ko ang malademonyong ekspresyon ni Phoenix. Nakatayo siya habang hawak ang pugot na ulo ng halimaw. Hindi na maitsura ang mukha ko sa oras na binitawan niya ang pugot na ulo.

Narinig ko ang pagdaing ni Ada. Doon ko naalala na may sugat pala siya. Dali-dali akong lumingon at inalalayan siya. May inilabas na maliit na bote si Phoenix mula sa kanyang bulsa, isang inch lang ata ang laki nito, kapareho ng bote na nakita ko noong una kaming nagkita.

Wala nang buhay ang mga nakahandusay na katawan ng mga halimaw. Tinanggal niya ang takip ng bote at hinipan ang bibig nito. Ilang sandali lang ay may narinig kaming ingay, ingay ito na parang may malakas na ihip ng hangin. Nakita ko kung paano dahan-dahan na nagtransform ang mga katawan ng halimaw sa pagiging abo.

May kung anong itim na usok ang lumitaw sa bawat katawan at lumapit ang mga ito kay Phoenix. Pumasok ang limang itim na usok sa maliit na bote na hawak ni Phoenix. May narinig pa akong impit ng iyak na nagpatindig ng balahibo ko sa batok. Binalik agad ni Phoenix ang takip ng bote at pinasok ito sa loob ng kanyang bulsa.

Iginiya ko si Ada sa malaking ugat at doon ko siya pinaupo. Naaawa ako dahil nakaawang pa siya dahil sa hapdi. Binalik ko ang tingin ko kay Phoenix. Nagtama ang aming mata.

"Hey, stupid. Ano sa tingin mo ang ginawa mo? MUNTIK KA NANG MAMATAY!" napayuko na lamang ako. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko para ipagtanggol ang sarili ko. "Dinamay mo pa si Ada! Kung hindi ka sana nagpabaya, hindi sana nasugatan si Ada. Muntik n'yo nang pinahamak ang sarili niyo!"

Peritia AcademyWhere stories live. Discover now