CHAPTER 28: FAILED LIES

103 11 1
                                    

CHAPTER 28: FAILED LIES

CHANYEOL'S POV

"Isa pa nga."

Napalingon sakin yung bartender ng pinasukan kong bar na malapit sa Riding Club. Medyo tago yung lugar pero marami paring customer.

"Lakas boss ah! Pang-17shots niyo na ng vodka yan ah pero mukhang wala ka paring tama." he said while filling my glass.

Sa totoo lang umiikot na yung paningin ko.

Di ko rin alam kung bakit ako naglalasing eh.

Bukod sa di natuloy yung conference ko sa Beijing dahil umatras yung dalawa sanang investors na Intsik at nasayang ang pagod ko sa paghahanda para don. Kung kelan kumpleto na saka pa aatras yung mga bullshit na yun. They should've said it earlier para di na ko nag-abalang asikasuhin sila!

"Sh*t!" napamura ako ng malakas nang biglang may pumitik sa sentido ko dahil sa tumatakbo sa isip ko ngayon.

Isa pa yang Danica na yan eh.

Bakit ba ko nagpapaapekto dun?!

*FLASHBACK*

"Sir, uuwi na po kayo?" tanong ng secretary ko nang makita niya kong nagliligpit ng gamit.

"Ano pa nga ba?"

Tss. Nawalan na ko ng ganang ituloy ang araw na 'to dito sa office. Damn those Chineses! Mga walang isang salita.

Naisipan kong pumunta nalang sa Milkyway Diner's. I'd rather spend the rest of the day there than having the thought of the shits that happened today.

Isa pa, di pwedeng ipagkatiwala kay Danica ang restaurant sa loob ng 24hours.

That girl won't last a day without causing any trouble.

Im sure you remember yung babaeng inaway at itinulak niya sa isang table. She even paid 100 pesos for the girl's dress which actually costs 30,000 pesos.

Nung isang linggo nga lang, may inaway na naman siyang babae at kinaladkad papunta sa kitchen sink para hugasan ang damit nitong natapunan ng chocolate cake. Not to mention, kinaladkad niya yung babae sa buhok dahil sobrang arte daw nito.

Yung araw bago yun, meron na naman siyang babaeng tinapunan ng soup dahil tinawag daw siya nitong social climber.

Tss. I couldn't imagine the disaster she could cause when I leave her alone to manage the restaurant for a week. Or even for just a whole day.

Sa totoo lang isang himala na tumagal pa yung restaurant namin sa dami ng kabulastugang pinaggagagawa ng babaeng yun.

Isa ring himala na di pa siya nasisipa palabas ng Riding Club.

Tss. Malamang malakas siya sa may-ari. Tsk Loverboy. Tss.

EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now