CHAPTER 37: Dibdibang Usapan

51 7 1
                                    

CHAPTER 37 (Dibdibang Usapan)



DANICA'S POV



"Hoy babaita kanina ka pa wala sa sarili!" -nagsnap si Yelle sa harapan ng mukha ko.


Tinignan ko lang siya.



"Ay." -sabi niya pa saka pumalatak sa hangin. "Wala na to. Inlove ka na kay Chanyeol no?"



Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.





"Hindi ah!" -mabilis na depensa ko.





Nagtawanan naman silang dalawa.

Nandito kami ngayon nila Yelle at Eunice sa Loco Bistro. Isa rin siyang restaurant na pagmamay-ari ng isa sa mga member ng Riding Club. Hindi ko kilala kung sino.



Nagsasawa na ko sa restaurant ko -.-




Sa labas kami ng restaurant pumwesto para kung sakaling mag-iingay kami, hindi masyadong kulob.



Wala nga lang ako sa mood mag-ingay. Ewan ko ba!




Apektado parin ako sa nangyari nung isang gabi nung natulog kami sa hotel suite ni Minho. Hindi lang nung isang gabi. Pati yung mga araw bago pa yun. Hindi ko na talaga maintindihan yung nangyayari sa kin! Hindi na talaga tama to eh! -.-



At isang hindi ko pa malimutan ay nung magising ako kinaumagahan nun na nasa kwarto na ako.



Ang natatandaan ko lang ay iniwan ko si Chanyeol sa loob ng kwarto dahil sa nangyari. Hindi naman siya sumunod. Tapos ay nakatulog ako sa living room kasama si Minho dahil bigla akong nahilo. Dahil siguro sa nainom kong beer. Tapos pagkagising ko, ang sarap pala ng naging tulog ko kasi nasa malambot na kama ako.

Sino kayang nagbuhat sakin papunta dun?







P-posible kayang si C-chanyeol? >_<

Buti nalang ay medyo nawala yung strong urge ko na malaman kung sino ang nagbuhat sakin nung maabutan ko si Chanyeol at Minho na magkatabing natulog noon sa sala.




Hindi lang sila basta basta magkatabi kundi MAGKAYAKAP!



GRABE! Grabe talaga yung sakit ng tiyan ko katatawa! Nung magising sila, hindi sila magkandapaspas na magtulakan na parang diring diri sa isat isa. HAHAHA!

Sabi ko na nga eh. Sila ang magkakatuluyan eh.










Kahapon ko pa hindi nakikita si Chanyeol.

Pero hindi ko siya namimiss!






















>_<

NAIINIS NA TALAGA AKO!

OO NA INAAMIN KO NA!







Gusto ko siyang makita. ><

Pero hindi ibig sabihin non, may gusto na ako sa kanya!

Wala akong gusto don! >_< Kainis!








Ewan ko na talaga sa sarili ko. Baka nga nababaliw na ko. T.T




"Kita mo. Binanggit lang yung pangalan ni Chanyeol, bigla ka ng nagising." -Yelle.






Inirapan ko lang yung dalawa. Tss.




"Kasi naman. Kanina pa kami nagchochokaran dito tapos ikaw lumilipad ang isip sa kawalan!" -Eunice.




EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now