CHAPTER 21.3: A Long Night!

257 28 4
                                    

Chapter 21.3



Chanyeol's POV



Asan na kaya yung babaeng yun?

Di ko na dinala yung kotse ko para mas madali ko siyang mahanap.


Sa paghahanap ko sa kanya, napadpad ako sa park na malapit sa lang sa bahay ko.



Ang lakas parin ng ulan.

Baka naman nakauwi na siya at nagsasayang ako ng oras sa wala?


Tss. (-'-)

Tanga. Ngayon ko lang naisip yun.
Kaya niya naman na siguro ang sarili niya.

Aalis na sana ako sa lugar na yun nang may naaninagan akong taong nakaupo sa swing.



S-siya ba yun?!

Nababaliw na ba siya?!

Bakit siya nagpapaulan?!

Aish!!



Nilapitan ko siya.


"Bakit ka nagpapaulan??"


Halata namang nagulat siya at napatingin sakin.

Pero, inirapan niya lang ako at hindi pinansin yung tanong ko.


Di ko siya masisisi. Sinigawan ko siya kaya malamang di niya ko papansinin.


"Ihahatid na kita." -sabi ko sa kanya.



Tumayo naman siya.

Pero naglakad siya palayo sakin.


*sighs*


Ang hirap talaga pag nagtampo ang babae. -.-

Sinundan ko siya.


"S-sorry na. Okay? Di ko naman sinasadyang sigawan ka eh."


Patuloy parin siya sa paglalakad.

Hinawakan ko yung kamay niya kaya napahinto siya sa paglalakad.

Tumingin siya sakin ng masama tapos hinila niya yung kamay niya.

Sinundan ko uli siya



This time, dalawang kamay niya na yung hinawak ko at iniharap ko siya sakin.

Therefore, binitawan ko na yung hawak kong payong.

"Sorry na."



Nagulat ako nung tumawa siya.



"Hahaha! Sorry-hin mo yang mukha mo!" -sabi niya sabay taboy sa kamay ko.




"O sige. Kahit wag mo na 'kong patawarin. Wag mo na rin akong kausapin. Basta sumama ka lang sakin. Ihahatid na kita. Ang lakas ng ulan oh. Basa na tayong dalawa."



Di niya pinansin yung sinabi at tuloy tuloy parin siyang naglakad palayo sakin.



"Hey!"


EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteOnde as histórias ganham vida. Descobre agora