CHAPTER 32

90 10 1
                                    

DANICA'S POV

"I cant marry her bacause...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

......my girlfriend is pregnant. Nakabuntis po ako."

Lahat kami ay gulat na gulat sa rebelasyon ni Kyungsoo.


"No! That's not true!" galit na sigaw ni Mrs. Guevarra.

"That's the truth, Mom." mahinahong sagot ni Kyungsoo.

"I told you to stay away from that girl!" umalingawngaw ang sigaw ng mama niya sa loob ng restaurant saka siya humawak sa dibdib.

Sinaklolohan naman agad siya ni Mr. Guevarra.

"Are you okay, Sweetheart?"

Sumenyas naman ito na okay lang siya.

"You!" tinuro ni Mr. Guevarra si Kyungsoo. "Diba sinabihan ka na namin?!

Tahimik lang na yumuko si Kyungsoo.

"Dad. Ngayon lang po. Ngayon lang ako hihindi sa inyo ni Mama. All my life, naging masunurin at responsable akong anak sa inyo. Dad, please, for this once, pagbigyan niyo naman yung gusto ko."

Bigla namang natahimik ang dad niya.

Napailing lang ito saka inakay ang asawa paalis ng restaurant.

Nakayuko parin si Kyungsoo habang ang aking ama naman ay may after shock pa sa mga nangyari. Si Chanyeol naman di malaman kung anong gagawin.

At ako? Feeling ko lumilipad ako sa hangin. Malaya na ako ulit!! :D

Maya-maya, nagsalita na si Kyungsoo.


"Sorry po, sir, for disappointing you." mahinang sabi niya kay papa.

Hindi nagsalita si papa. Tinapik lang niya ang balikat ni Kyungsoo.

"Pwede ko pa po bang makausap yung anak niyo?" tanong niya tapos tumingin siya sakin.


Tumango naman si Papa tapos niyaya niya akong lumabas papunta sa garden ng restaurant.

Pagkalabas na pagkalabas namin, pinakawalan ko na yung tawa kong kanina ko pa pinipigilan.


"Di ako makapaniwalang magagawa mo yun tsong!" sigaw ko tapos ginulo gulo ko yung buhok niya.

Ngumiti siya ng matamlay.


"Ayos ba? Pinaghandaan ko talaga yun."


"Ayos na ayos! Finally! Nagkabayag ka rin!"


"Uy dati na kaya. Kahit tignan mo pa!" sabi niya sabay hawak sa sinturon niya kaya mabilis kong hinampas ang balikat niya.


"Loko! Oo na naniniwala na ko. Pero seryoso, malaki ang utang ko sayo dahil sa sinabi mo."

"Nah. I just took my part. All these days, ikaw lahat ang gumagawa ng paraan para pigilan ang mga magulang natin. I just thought that it's about time para ako naman ang gumawa ng move."

"Teka. Totoo nga ba yung sinabi mo?" tanong ko. Parang ambilis  naman kasi kapag nabuntis niya agad.

"Alin dun?"

EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now