CHAPTER 36: LOVE TRIANGLE

76 5 1
                                    

CHAPTER 36: Love Triangle

DANICA'S POV



"Sasabay ka pa sa kanya pwede namang sakin ka nalang magpahatid. Saka ano yan? Bakit pareho kayo ng damit?" -sabi ni Chanyeol habang palipat lipat ng tingin samin ni Minho.




Nasa likod ko na kaagad siya. -.-







"Danica Genobes, hindi pa man Villafuente ang apelyido mo, pinagtataksilan mo na kaagad ako." -pagpapatuloy niya pa.







Ano daw?!








"Okay ka lang?" - pabulong na tanong ko sa kanya. Mukhang sinaniban ng kung ano eh.








"Yan ba yung kasama mo kaya ka umalis kanina? Tss. At talagang terno pa kayo ng damit ah. Samantalang kagabi lang---" -hindi na naituloy ni Chanyeol yung sasabihin niya dahil mabilis kong tinakpan yung bibig niya. Masyado siyang maraming sinasabi.








"Ayos lang kanya." -nakangiting sabi ko kay Minho.







Tumingin naman ako kay Chanyeol.







"Diba sabi mo kanina hindi mo ko maihahatid dahil aalis ka? Diba? Kaya sa kanya na ako sasabay." -pinanlakihan ko pa siya ng mata para lang sakyan niya yung sinasabi ko.








Pero mukhang ipinanganak talaga siguro tong balugang to para guluhin ang buhay ko.







Inalis niya yung pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya.




"Ano ka ba, honeypie? Syempre ihahatid kita. Makakapaghintay yung pupuntahan ko. Pero hindi madaling humanap ng babaeng kagaya mo." -Chanyeol.







A-ano?!





Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.




Anong nasinghot ng isang to?!




Kinindatan niya pa ako pagkatapos niyang sabihin yan.



Saka HONEYPIE?! PWE! ANG BADUY!!!!!! >_



Inakbayan niya pa ako habang sinasabi niya yan tapos ngumiti nang ng nakakaloko.






Ano bang nasinghot na balugang to?!

Pati si Minho, halatang hindi makapaniwala sa sinabi ni Chanyeol. Halata ding nagpipigil siya ng tawa.








"Ano honeypie? Tara na?"




Speechless ako nang hilain niya ako.

"Psh. Honeypie? Wala ka na bang ibang maisip na mas babaduy pa dun?" -saad ko nang medyo makalayo kami kay Minho.



"Tss. Nakipagdate ka ba sa kanya? Nasisiraan ka na ba?"




"Niyaya niya lang akong lumabas pero hindi yun date!"





Kapwa kami bumubulong dahil hindi pa kami masyadong nakakalayo. Nang silipin ko si Minho, nakatayo parin siya dun at nakatingin sa amin. Medyo mabagal kami maglakad kasi nga nakaakbay pa siya sa akin.




"Ganun na rin yun!"



"Hindi yun ganun!"






EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now