CHAPTER 31

105 9 5
                                    

DANICA'S POV


"Wala ka paring kupas, boss! Parang di ka nagbakasyon ah!"


"Psh. Ako pa ba?"

"Panong di gagaling yan eh mas mahirap magpatakbo ng kabayo kesa magpatakbo ng motor!"


Umalingawngaw ang mga tawanan ng mga kasama ko sa Ground Zer'O, isa sa mga pinakamalalaking Motocross club sa buong mundo. Member na ko rito since first year ko sa college. Get away ko rin to tuwing tinatamad akong pumasok.

Simula nung tumira ako kay Joonma sa EHBRC, hindi na ko nagagawi dito.


Buti nalang pinayagan niya na akong pumunta dito. Di ako matanggihan eh.


Nakakamiss din pala tong lugar na to pati mga mokong kong kasamahan.

Wala nga pala kaming date ngayon ni Kyungsoo. Tama yung hinala ko. "Our dad set up a few dates" means araw araw! At araw araw ko ring nakikita yung kupal na yun. Nakakasawa na yung malaki niyang mata.


As of Chanyeol, apat na araw ko na rin siyang di nakikita. Tama lang na wag siyang magpakita sa kin noh! Matapos ng mga sinabi niya sakin magkakaroon pa siya ng kapal ng mukha para magpakita sakin?! Ulol ba siya?! Pwe.

"Hindi ako marunong mangabayo noh! Ang sabihin mo weak ka lang talaga kaya natalo kita." sagot ko kay Vince.

He is the present president of the club since family niya ang founder nito. Pinagkaloob na sa kanya ng tatay niya tong club dahil inaasikaso nito ang isa pa nilang business.


Maraming member ang club na to na foreigners dahil dinadayo pa to ng mga taga ibang bansa. Karamihan talaga, mga lalaki ang member nito since this sport is not easy for women. Pero may mga babaeng member din na magagaling. Syempre isa na ko dun. Ako nga ang pinakamagaling eh.


Nagkakasiyahan na kami nang biglang tumunog yung phone ko.


*kring kring*

(Papa Calling..)


Oh anong problema ng matandang to?

Nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko bago ko sinagot yung tawag ni Papa.

"Hello, Pa?"


("Hija, where are you?")

"Ahmmmm..."

Sasabihin ko bang nandito ako ngayon sa Ground Zer'O. Ayaw na ayaw ni Papa na nagpupunta ako dito eh.

("Naah. Nevermind. Alam ko namang nasa Ground Zer'O ka ngayon eh.")

Oh? Pano niya nalaman?

Pero ang tanong talaga dun eh, bakit di siya galit?

"Yes, Pa. Andito nga ko. Bakit?"


("7pm sa restaurant ng pinsan mo sa Makati. Wear something decent. It's time for you to meet Kyungsoo's family.And if you're thinking about not coming, well, Im warning you. Di kita pamamanahan pag di ka sumipot mamaya.")

EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang