CHAPTER 35

84 7 0
                                    

CHAPTER 35



DANICA'S POV





"Wear this."








Nag-abot si Minho sa akin ng isang paper bag na may lamang isang t-shirt na stripes din and a pair of jeans tapos isa ring pair ng sneakers.









Di na ko nagkaroon ng chance na tanungin kung bakit niya pinapasuot yun sakin kasi bumaba siya. Ibig sabihin, dito ako magbibihis sa loob ng sasakyan niya. Heavy tinted naman yung sasakyan niya eh.







Pero bakit meron siyang damit na pangbabae?

Baka naman pinaghandaan niya na to?

Mhnnnmn. Nakakaduda ah.








Nakita kong pumasok siya sa isang convenience store kaya nagumpisa na akong magbihis.







Nagsasapatos na ako nang kumatok siya sa bintana ng kotse. Ibinaba ko naman yung bintana at nag thumbs up sa kanya.







"Bakit mo ba to pinasuot sakin? San ba tayo pupunta?"






Pumasok na siya sa kotse dala ang mga binili niyang pagkain.







"Secret." -sabi niya habang nakangiti.





Aba loko to ah!







"Bakit ang gulo dito sa loob ng sasakyan mo? Naglayas ka ba?" -tanong ko nang mapansin ang mga damit sa backseat ng sasakyan niya.







"Pinarenovate ko yung bahay ko. Sa hotel ako ngayon nagi-stay."








"Ahh. Kaya pala andito yung mga damit mo."








Parang imbestigador na ininspeksyon ko yung mga damit niya.

Puro suits saka americana. Yung mga usual na suot niya.








Napasigaw naman ako nang may mahawakan akong hindi kanais nais. Dahil naman sa pagsigaw ko kaya nagulat siya at biglang naipreno yung sasakyan.







"Bakit?"





"W-wala."








Umayos nalang ako ng upo. At siya naman, pinagpatuloy lang ang pagmamaneho.



Bakit kasi pakalat kalat yang brief niya dyan?!?! >_<







Binuksan ko yung bintana ng kotse niya. Baka sakaling liparin ng hangin yung dumi ng utak ko. Pati kasi brief pakalat-kalat. Psh.






Haaaay. Ang sarap ng hangin.







Sa pagkakaalam ko, nasa loob parin kami ng riding club kasi hindi ko naman nakitang lumabas kami.






"Dadalhin sana kita sa Batangas kaya lang naisip ko na baka hanapin ka ng FIANCE mo."







Napatingin ako sa kanya nung magsalita siya. In-emphasize niya kasi yung word na fiance.







"San pala tayo pupunta?" -tanong ko.







"Sandali nalang, malapit na tayo."







EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now