CHAPTER 39

59 6 1
                                    

CHAPTER 39



DANICA'S POV



"SINAKAY KA NIYA SA KABAYO NIYA?!"





"Anak ng! Sige isigaw mo pa!" -dinuro ko kay Yelle  yung tinidor na hawak ko.





"HA?! SINONG SINAKAY SA KABAYO?! SINONG SINAKAY SA KABAYO?!" -patakbong lumapit sa pwesto namin si Angelyka na kanina lang ay nagdo-drawing ng kung anu-ano at pinapatahimik kami sa pagkukwentuhan namin. Mga damit ata yung dinodwawing niya pero hindi mukhang damit para sakin. -.-




Andito kami sa boutique ng ate ni Yelle at kasalukuyang kumakain kahit di naman to restaurant.




"S-siya!" -turo ko kay Yelle.




Tsismosa din tong isang to eh. Ito naman kasing Yelle na to. Napakadaldal -.-




"Anong ako?! Siya kaya. Sinakay siya ni Chanyeol sa kabayo niya!"




"Ahhhhhhhh!" -sigaw ni Angelyka na animo'y kinikilig ngunit napalitan din bigla ng nadismayang reaksyon nang may marealize.




"Malamang isasakay ka ni Chanyeol sa kabayo niya. Ikaw ang fiance niya eh. Pinaglololoko niyo ko eh." -inihagis niya yung lapis sa lamesa.





Aba loko to ah!





Oo nga pala. Hindi alam ng babaitang to yung tungkol sa kontrata namin ni Chanyeol at sa pagpapanggap namin. Bukod sa kapatid ko, kay Yelle at kay Eunice, wala nang ibang nakakaalam.




Tumalikod na si Angelyka pero bumalik rin agad sa pagkakaupo sa harap namin.





"Pero ang sweet nun ah. Anong pakiramdam?" -nakangiti niya uling sabi.



Napakaaligaga niya ngayon ah. Pabago bago ng reaksyon. -.-




"Ahhhmm. T-tulad ng sinabi mo, natural lang yun kasi ako ang fiance niya." -sagot ko.





"Sus. Wala ka manlang naramdaman kahit konting kilig?"





Tumingin ako kay Yelle.

Tinaas taasan niya ako ng kilay habang nakakalokong ngumiti.





"Ehem. Syempre meron." -sagot ko. Medyo pinipigilan kong mapangiti ng malaki. Nahihiya akong ipakita na masyado akong kinilig.




Mukhang di satisfying yung naging sagot ko para kay Yelle kaya kumunot yung noo niya at napatingin kay Angelyka.



"Hoy ne. Mawalang-galang na. Bumalik ka na nga dun sa ginagawa mo kanina. Medyo lumayo layo ka na rin dahil may pag-uusapan kaming importante. Kung pwede dun ka na sa labas. O kaya kung gusto mo umuwi ka nalang." -sabi ni Yelle.



Umasim naman ang mukha ni Angelyka at padabog na tinungo ang kinauupuan niya kanina at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa.




"O ano na?" -kinulbit ako ni Yelle matapos masigurong hindi na maririnig nung isa yung pag-uusapan namin.





"Actually,  hindi kahapon ang unang beses na isinakay niya ko sa kabayo niya."




Impit na napasigaw si babaita.




"Ibig mong sabihin may nauna pa dun?! Kelan pa?"




"Bago ko pa malaman yung tungkol sa tradition na yan."






EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now