Chapter 27.1: The Dating Problem..

135 15 2
                                    

Chapter 27.1: The Dating Problem




Danica's POV




"Oh. Talaga?" -Yelle

"Malay mo gwapo. Hahaha!" -Eunice


Andito kame ngayon nila Yelle at Eunice sa Nest Cafe.

Pinapunta nila ko dito para daw magkwento tungkol sa nangyari sa'min ni Yoda nung inuwi ko siya. -.-

Mga chismosa talaga.

Tsaka wala naman ako dapat ikwento kasi wala naman akong makukwento kasi nga wala namang nangyari!

(A/N: Aba. Bakit parang gusto mong may nangyari?)

Nyeta! May sinabi ba ko?! Ang hilig mo talagang sumingit eh no?!


Pero ewan ko ba kung bakit naikwento ko yung tungkol sa sinabi ni Papa.

Magagaling kasing manguha ng chismis 'tong mga babaitang 'to.

Pero siguro kelangan ko din ng tulong nila.


"Eh ano naman kung gwapo? Pakialam ko?" -sabi ko ng nakataas ang kilay.

"Ah. Alam ko na. Kaya wala kang pakialam kasi meron ka na nga palang Chanyeol. Hahaha!" -sabi ni Yelle sabay tawa ng malakas.

"Yieee." -gatong ni Eunice sabay tusok sa tagiliran ko.

"Tumigil nga kayo. Wala talaga kayong maitulong! Problema yun noh. PROBLEMA!" -sigaw ko sa kanila.

Inirapan ko silang dalawa.

Sarap talagang pag untugin nitong mga 'to.

Dapat pala talaga hindi ko na kiniwento eh.


"Haha. Chill ka lang. Jinojoke ka lang namin eh." -Eunice sabay tapik sa balikat ko.

"Ano ba kasing pinoproblema mo?" -Yelle


-.-

Bobita talaga 'tong babaeng 'to eh.

Asar ng asar di pala alam kung ano yung problema. Napaka. . . Ahmp!

"Yung lalaki nga na sinasabi ni Papa ko." -asar kong sabi.

"O anong gagawin natin sa kanya?" - tanong ni Yelle na parang naguguluhan.

Slow talaga'to. -.-

Magaling lang sa alak at kalokohan eh.

"Wala tayong gagawin sa kanya. Ang kelangan lang, hindi matuloy yung pagkikita namin." 

"Anong balak mo ngayon?" -tanong ni Eunice sabay halumbaba sa may lamesa na ani mo'y hinihintay ang sasabihin ko.

EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now