CHAPTER 30

121 9 3
                                    

CHAPTER 30

DANICA'S POV

"Ano to?"


"Ahmm. Sabihin na nating bunga ng sweetness nating dalawa." sarkastikong sabi niya.


Lalong kumunot yung noo ko sa sinabi niya.


"Ha?"


"Tignan mo nalang kaya."


Andito kami ni Kyungsoo ngayon sa Enchanted Kingdom. Siya ang nagyaya na dito daw kami pumunta. Tss. Isip bata.


Tatlong araw na kaming lumalabas nito maliban pa dun sa una naming pagkikita. Guess what. Yung una naming pagkikita which is yung sa Milkyway Diners ay 3 days ago lang.


Ibig sabihin, mukhang araw araw kaming magkikita ng mokong na to para lumabas.

Binuksan ko yung envelope na iniabot niya.

Mga picture naming dalawa. Mga kuha siguro to nung mga spy nila Papa.


Nabanggit niya nga pala na may mga spy kuno na h-in-ire ang mga magulang namin para sumunod samin saan man kami pumunta kaya dapat daw lagi kaming alerto.

Isa isa kong tinignan yung mga pictures.

T-teka...

"Bat ganito?!"


Gulat na gulat ako sa mga nakita kong picture. Sa mga picture kasi, parang sweet na sweet nga kami sa isat-isa.

Yung mga pagkakataong tinatawanan ako ni Kyungsoo dahil sa pagsusungit ko. Yung isang picture naman parang hawak ko yung pisngi niya pero ang totoo nun, binatukan ko sya nun dahil sinabihan niya kong baduy.

Sa tatlong dates na yun, wala akong ibang ginawa kundi ang sungitan siya habang siya naman, walang ibang ginawa kundi ang tawanan ako at laitin ang suot ko tuwing lalabas kami.

Hindi naman talaga ako baduy. Di lang talaga ako mahilig magsuot ng mga pa-chicks na damit. Maganda parin ako kahit jeans, t-shirt at sneakers lang ang suot ko no!!


"Hindi ko rin alam. I guess yung spy na hinire nila eh punong puno ng happy thoughts kaya hindi niya kinuhanan yung mga pagkakataong di tayo nagkakasundo."


"Kasalanan mo to eh!" paninisi ko.


"Bakit ako lang?!"

"Ikaw eh! Tawa ka lang ng tawa eh!"

"Anong magagawa ko? Nakakatawa ka nga magsungit." sabi niya habang tatawa tawa pa.


"Sungalngalin ko kaya yang bunganga mo." - inis kong sabi.

Habang tumatagal na nakakasama ko tong lalaki na to, lalo lang akong naiistress. Akala ko magiging stress free na ako pag kasama ko siya dahil sa deal namin, yun pala mali pala ko ng iniisip.

"Okay. Sorry. Ikaw kasi eh ang dali mong maasar."


"Tss." pagkasabi ko nun tumayo na ko at naglakad.

EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now