CHAPTER 38: Acceptance of Passive Fall

43 7 0
                                    

CHAPTER 38 (Acceptance of Passive Fall)


DANICA'S POV




"Di mo ba nakita yung ginawa ko? Ako kaya yung nagpanalo sa min!"





"Ay ang galing. Oo kitang kita ka don. Ang galing mo nga eh. Lagi mong pinapaagaw yung bola sa kalaban."





"Ako kaya nagpanalo samin!"







"Ulol! Di mo naman kakampi si Kai, pero sa kanya mo pinapasa yung bola."





"Nagpapalakas nga ko eh!"






Umuugong yung tenga ko sa usapan ng dalawang to eh. Nasa iisang table kaming tatlo. Si Baekhyun, si Yelle saka ako. As usual, ililibre ko uli sila. (-.-) Umalis kasi si Eunice kasama si Tao. Baka paparusahan niya kasi talo eh.



Oo nanalo sila Chanyeol.

At halos ng lahat ng makakasalubong ko kanina, kinakantyawan ako. >_





"Oyoyoyoyoy! Ang sakit sa tenga ng boses niyong dalawa! Masyado kayong maingay." -iritadong sabi ko.






"Sus. Naaasar ka lang kasi wala kang kapartner eh. Asan na ba kasi yung fiance mo?" -Baek







Asar namang itinulak ni Yelle si Baekhyun.







"Oh ayan na pala siya eh. PARE! PARE DITO!"





Lumingon ako sa likod ko at nakita siyang papalapit sa amin. Umupo siya sa tabi ko.





Eto na naman yung maladrum na pagtibok ng puso ko. >_






"Pare lambingin mo na nga yang misis-to-be mo para di naiinggit samin." -inakbayan ni Baekhyun si Yelle. Ito namang si babaita, todo ang pagtataboy sa kamay ni Baekhyun.





"Hoy ang kapal mo ah!" -Yelle.







"Hoy! Sino ba kayo para kainggitan ko? Kung pareho kayong may super powers o di kaya ay kumikita ng 1million kada oras, baka may chance pa." -bwelta ko sa sinabi niya.






Nagpout lang si Baekhyun sa sinabi ko.

Maya maya pa, ay sumenyas sakin si Yelle. Parang hindi ko nagugustuhan yung ibig niyang iparating.






"Ehem. Ahmm. Baek, tara. Scuba diving tayo."





"Ha? Saan?"






"Dun sa palaisdaan sa likod ng bahay ni Kai."






"Ha? Pwede bang magscuba diving dun?"







"Oo naman! Tara!" -hinila na ni Yelle si Baekhyun.






Naiwan kaming dalawa ni Chanyeol.

Sabi ko na eh. Binabalak niya talagang iwan kaming dalawa.

Ang ganda pa ng naisip niyang palusot -.-







Binalot na naman kaming dalawa ng katahimikan.

Eto ang ayaw ko eh. Dati kung gusto kong magsalita sa harapan niya, magsasalita ako. Pero ngayon parang naapakan ko na ata yung dila ko.





EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now