CHAPTER 17: OH SYEETEE !!

359 29 4
                                    

Chapter 17

Danica's POV

"Joonma. Ano na kasi yung pinag-usapan niyo ni Chanyeol??. . . Hui??" -tanong ko sa kuya ko.

Gumagawa siya ng sandwich para sa breakfast namin.

Actually, kahapon ko pa 'to kinukulit eh.

Ayaw niya kasing sabihin kung anong pinag-usapan nila ni Yoda.

Lagi niyang sinasabi "WALA YUN!!"

Pweh! 

Sapakin ko 'tong isang to eh.

Bakit ba ako curious??

Kasi nung sinabi niya kay Chanyeol na "Mag-uusap tayo mamaya" parang galit na galit siya eh. Malay ko ba kung pinasalvage niya na si Yoda. .

Kasalanan ko pa diba?

Kahapon kasi, nung sinundo nila kami sa kagubatan, dinala muna nila ako sa clinic para ipatingin yung paa kong namamaga.

Nakita ko na naman nga uli yung poging doctor eh. Hahaha!

EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now