CHAPTER 1: LUCKY YET UNLUCKY

975 54 17
                                    

-LUCKY YET UNLUCKY-

DANICA'S POV

WHOOOO! YEAH! HAHAHAHAHA! HOHOHOHO YAHAHAHAHAHA! WOOOOOO RAKENROL! TO THE WORLD BABY!

At kung hindi mo pa magets kung anong nararamdaman ko ngayon sige sasabihin ko na!

Ang saya saya ko ngayon mga tsong! Sino bang hindi magiging masaya kung limpak limpak ang napanalunan mong salapi sa casino. 900,000 ata ang hawak kong pera ngayon eh. Cash!

Di na ko makapaghintay na makita ang mukha ng kapatid kong kolokoy pag nalaman niya to.
At pag nabili ko yung pwesto na pagpapatayuan ko ng sarili kong RESTAURANT!
Di na rin ako makapaghintay na dukutin ang nagbabadyang lumuwa niyang mata!

By the way, di ko pa nga pala naiintroduce ang sarili ko.

Danica Genobes. 20 years of age. Graduate of Bachelor of Science in Architecture at board passer.

Mayaman ako at kaya kong bilhin ang kaluluwa mo. Pero syempre joke lang yun. Tatay ko ang mayaman at masyado akong mahiyain para hingan siya ng pera.

May nakatatanda akong kapatid, Joonmyeon Genobes. Suho ang tawag sa kanya ng mga barkada niya back in highschool at hanggang ngayon yun ang tawag sa kanya ng mga kakilala niya. Di ko rin alam kung paano naging ganun ang nickname niya kaya don't bother asking me.

Joonma ang tawag ko sa kanya kasi kung umakto siya daig niya pa si Mama. Namiss ko tuloy bigla si Mama. 10 years old ako nung nawala siya samin.

Protective si kuya at istrikto kaya minsan badtrip ako sa kanya pero lab na lab ko yun! Promise. Kahit hindi halata.

Kung nagtataka naman kayo kung bakit sugarol ako eh mayaman naman kami wala na kayong magagawa dun. Hobby ko na yun simula highschool kaya medyo expert tayo sa mga ganyang bagay. Mula tatsing, kara krus, tong-its, pusoy, mahjong, poker, casino, uno, video-karera, sabong, karerahan. Lahat yan! Sus ako pa ba? /kumiss sa muscles/

At kung ipapadefine mo naman ang salitang TAMAD, pwede mong i-spell ang pangalan ko.

Graduate ako ng Architecture pero ayoko magtrabaho. Ayoko maging utus utusan. Gusto ko, ako ang BOSS. Kaya naisip kong magnenegosyo ako. Magpapatayo ako ng sarili kong restaurant para di ako magtrabaho at ako na ang masusunod. Pag nagawa ko yun, di na ko pipilitin ng Papa at ni JoonMa na magtrabaho. Actually ako ang hinahanap ng trabaho since boardpasser ako. Pero hindi ko lang talaga trip. Masyado akong mataas para maging empleyado lang.

Iresponsable na kung iresponsable pero yun talaga ako eh. Wala tayong magagawa.

Patuloy lang ako sa pagbibilang ng pera habang tinutungo ang direksyon papunta sa pinakamamahal kong si "BAMBINA". Ang first ever bigbike ko. Regalo sakin ni Joonma noong grumaduate ako ng highschool. Suhol yon para mag aral daw ako ng mabuti sa college. Di ko naman siya binigo eh. I graduated and I passed the exam.

Di lang niya lang alam na gagamitin ko to upang simulan ang mga bagong adventures ko sa buhay. Kasi simula ng mapasakin si Bambina, lagi na akong nasa GroundZer'O at nakikipagpustahan at nakikipag karera ng motor.

Sa kabutihang palad, matibay ang motor ko. Kasing tibay ng gumagamit. Sa sport na yun na pinasok ko, hindi maiiwasang magkaroon ng kahit koooooooooonting gasgas. Fortunately, hindi pa naman ako nadadali kahit ilang beses ko nang naulinagan yung point ng dalang pickaxe ni kamatayan. Hindi naman yun maiiwasan.

"Wag kang kikilos ng masama."

Nagulat ako ng may kung anong bagay na tumutok sa tagiliran ko..
Paglingon ko.....

EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now