CHAPTER 2: WORLDWAR Z

613 50 4
                                    

-WORLDWAR Z-


DANICA'S POV

"Wala pa bang tumatawag para sakin?" -tanong ko sa mamang pulis na nasa service desk.

"Wala pa. It looks like you're gonna spend the whole night here." -aniya

The fvck?! Isang buong gabi dito?! Ginagago niya ba ko?!

"Bakit ba kasi ayaw niyong maniwala na wala nga kong ginawang masama?"

Tinignan ako nung pulis mula sa pagkakababa ng tingin niya sa ginagawa niya kanina. Pogi to eh. Ngayon ko lang napansin. Hindi malaki yung tiyan niya kumpara sa mga kasamahan niyang parak dito.

"Hindi ka kapani-paniwala. Saka di ka pa ba sanay na matulog dito? Ilang beses ka na ring nagagawi dito, diba Genobes?"

"Isang beses lang ako nagpalipas ng gabi dito kaya wag kang epal dyan!" -singhal ko sa kanya.

Kasalukuyan akong nasa presinto ngayon. Di dahil nahanap na yung nanguha ng pera ko kundi dahil pinahuli ako ng walang hiyang lalaking yon! Humanda talaga siya sakin pag nagkrus uli ang landas namin.

Ipag pray niya nalang na sana wag na dahil ako mismo ang magbabalat sa kanya ng buhay gamit ang nail cutter.

*Flashback*

Sa wakas dumating narin ang mga parak! Mabilis akong lumapit sa kanila para mag report pero...



"T-TEKA ANO TO?!"- ako

Pinosasan nila ako.

"Sige hulihin niyo yan. Alam ko yang ganyang style miss. Kunwari nanakawan, tapos pag naitakbo na yung pera papabayaran sa nagligtas sa kanya. Tss. Saulo ko yang mga ganyang Modus Operandi." -si Mr. Pogi.

"T-teka. Anong Modus? BITAWAN NIYO KOOOOOOOOO!!!"

*End of Flashback*


Swear, habang binabalikan ko yang pangyayaring yan kumukulo ang dugo ko!
Kung nakakamatay lang ang mura, kanina pa siguro nadapa yung gagong yun at lumabas yung utak!

Kasalukuyan ako ngayong naghihintay ng susunod na gagawin sakin ng mga pulis at ng magpapyansa sakin.

Tinawagan ko si Joonma pero nasa London daw siya. May business trip.
Kaya si Mhond nalang ang tinawagan ko para magpyansa sakin. Pinsan ko siya sa mother side. Medyo close din kami dahil sakin siya humihingi ng mga number ng mga chicks na kasama ko sa Ground Zer'O.

Nagtataka ba kayo kung bakit di ako nagwawala at naglulupasay dito?

Eh pagod na ko eh. Kayo kaya mag ngangangawa ng dalawang oras. Non-stop! Kaya niyo?! Kaya niyo!? Di naman pala eh. Tss. *with matching irap and flip ng hair*

Hindi ko naman talaga gawaing magngangangawa eh. Tulad nga ng sinabi ng pulis na 'to, medyo suki ako dito. Minsan dahil napapaaway ako at minsan naman dahil napapasama ako sa raid. Ang pinagkaiba lang ngayon, inosente talaga ako. Ako na nga nawalan, ako pa dehado?! Ang lupit lang eh!

May feeling din ako na last ko na dito. Kasi baka paglabas ko dito, hindi na ko iiwanan ni papa na humihinga. Malapit lapit na siya nung last na pyansa niya sakin eh. Baka ngayon mapigtal na yung pasensya niya sakin.

"Ang tagal naman ng Mhond na yan!" -reklamo ko. Masyado na siyang nagpapaVIP ah!


"BITAWAN NIYO KOOOOO!!" -sigaw nung babaeng kapapasok lang.

EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now