CHAPTER 34

64 7 0
                                    

CHAPTER 34



DANICA'S POV






*KriiiiiiiiiiiiiiiingKriiiiiiiiiiiiiiing*








"Asdfghjkl...."







*blinkblink*








5:00am na.


Sinadya ko talagang mag-alarm ng ganyan kaaga para makaalis ako dito nang di siya nakikita. Naiilang na ko eh! Muntikan pa kong hindi makatulog dahil sa ginawa niya. Nakadagdag pa yung huling sinabi niya na naguguluhan din siya.



Pucha lalo akong naguluhan!



Kahit ayoko pang bumangon, pinilit kong tumayo sa higaan. Dumiretcho na ko sa banyo at naghilamos tapos nagmadaling bumaba.



Next time ko na kukunin yung suot ko kahapon kapag napadry cleaning niya na. Bwahahaha!


Pero ibinulsa ko yung bagay na hindi dapat pinahahawak sa mga lalaki. Yung underwear ko. Ako na ang maglalaba nito.



Dali dali na akong bumaba para hindi niya ko maabutan.



Malapit na ko sa pintuan pero huminto pa ako.



Naalala ko, hindi pa ako nakainom ng tubig simula kagabi nung magdinner kami. Actually kanina pa ako nauuhaw pero tinamad na akong bumaba dahil nakuha ko na yung tamang posisyon ko ng pagtulog.



Nag-u-turn ako papuntang kusina at nagmamadaling kumuha ng tubig. Di na ko nag-abalang kumuha ng baso at uminom na sa mismong pitsel. Tutal gawain ko naman talaga to sa bahay. Di naman na niya nalalaman eh. Hehehe.


Nasa kalagitnaan palang ako ng pag-eenjoy sa paglagok ng kusang magsara ang fridge.


Pagkasara ng fridge, laking gulat ko nang bumulaga sa harapan ko ang mapanlinlang na halimaw ng kahapon wearing his favorite solid poker face as usual.



"Bakit hindi ka kumuha ng baso?"





*prtrrtt*







O.O





Shit.





Dahil nga nagulat ako, nasamid ako at naibuga ang tubig na laman ng bibig ko...




























....sa mukha ng mahal na Prinsipe.




Uh-ow.



Madiin niyang ipinikit ang mata niya at ipinunas ang palad sa nabasang mukha.



"Ahh... eeeeh.. S-sarre?"




"Is that the way you greet a person who actually lend you help?"




"E-eeh. K-kasi ikaw eh! Nanggugulat ka eh."



"Ako na naman ang may kasalanan."




Psh. Kung hindi siya basta basta sumusulpot, edi sana hindi ako nagugulat.



"A-anong gagawin mo?!" -mautal-utal kong sabi nang hawakan niya yung dulo ng suot niyang t-shirt.


Ang kupal! Plano pa atang maghubad sa harap ko!


"Anong gusto mong gawin ko? Magsuot ng damit na nabasa ng tubig na galing sa bibig mo?"



EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now