CHAPTER 11.1: WHAT THE EFF !!??

403 34 6
                                    

Chapter 11

Danica's POV

"Chanyeol Villafuente broke his relationship to his long time girlfriend, actress Ingrid Garcia, because of his long time secret fiance, Danica Genobes, the daugther of the owner of Genobes Group of Companies and the club member, Joonmyeon's younger sister. According to the secret source, Danica confirmed that---"

Di na natuloy ni Yelle yung pagbabasa ng news nang hablutin at ihagis ko yung hawak niyang newspaper.

"Hahahahaha!"

Kinusilapan ko siya.

Andito kami ngayon sa Nest Cafe. Tinawagan niya kasi ako. Nabobore daw siya eh. Wala siyang kasamang gumala. Ewan ko dito! Feeling close masyado. -,-

Remember nung nagkausap kami sa park? Kinuha niya yung cellphone number ko. Tinawag tawagan niya ko tapos ngayon tatawanan niya yung kumalat na news tungkol saken at kay . . . . . . Argh!!!!!! It can't be!

Kailan pa ko nagka-fiance!? Ayaw na ayaw ko ngang maikasal eh! Kaya nga pumayag akong ikulong dito ni Joonma eh.

Antanga lang kasi nung ginawa ko nung gabing yun eh!

Si Joonma? Syempre galit na galit siya nung nakita niya yung news. Gumawa daw ako ng paraan kundi lagot daw kami kay Papa. Totoo naman. .

Lagot talaga kami kay Papa! Lalo na ako. . T.T

Ngayon humihingi ako ng tulong dito sa babaeng to na walang ibang ginawa kundi ang tawanan ako. -,-Naikwento ko kasi sa kanya yung nangyari nung gabing yon.

"Tawa pa. ." -ako habang nakatingin ako sa kanya ng masama.

"Hahaha! Okay okay. Titigil na. Pero san ba talaga galing yang balitang yan? Sabi mo tatlo lang kayong nandon nung gabing yon. Eh imposible namang ilabas nung dalawa yang balitang yan. Baka naman. . . . ."

Tumingin siya saken na parang nagdududa.

"Alangan namang ako!!?? Magiging ganito ba yung reaksyon ko kung ako nagpakalat niyan?!"

"Hahahaha! Sabagay. ."

Isa pa tong babaeng to. Pagbibintangan pa ko. Tsk. (-"-)

"Basta kung sino man nagkalat nito, lagot siya saken. Papakainin ko siya ng kamao ko. Tsk. ."

"Grabe ka naman! Hahaha! Sabagay. Bagay sa kanya yun."

"Ano palang gagawin ko? Lagot ako kay Papa pag nalaman niya to at pag kumalat ang balitang to sa labas ng riding clu.."

Natigilan ako at. .

*Tiiing!*

May lumabas na lightbulb sa ulo ko. Hihihihi ^_____^

"Di ba may sariling newspaper 'tong riding club na 'to?" -ako

"Mmmm. Yep. Why?"

Paenglish english pa eh halata namang bobita to. (-"-)

"Alam mo kung saan ko makikita yung--"

Naputol naman yung sasabihin ko nang may pumasok na pagka-ingay-ingay sa loob ng cafe .


^-------^Nice timing man!


"Ayan na ata ang pagkakataon mong sabihin ang truth and nothing but the truth. Hahahaha! Go!" -Yelle.

Tinulak niya pa ako ng malakas.

EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now