CHAPTER 3: BLACK-MAILED BY JOONMA

532 46 7
                                    

CHAPTER 3: BLACK-MAILED BY JOONMA

DANICA'S POV

"This is insane Danica! You're a big shame to this family! Ayaw mo na nga magtrabaho, gumagawa ka pa ng ikasisira ng reputasyon ng mga GENOBES at ng ikasasakit ng ulo namin ng kuya mo! . Blah.. Blah .. Blah .. Blah .. Blah~ "

Anak ng -- Hindi ba nagsasawa tong matandang to??
Halos mag-dadalawang oras na tong Doktrina niya ah!
Di ba siya napapagod ?! Paulit ulit lang naman sinasabi niya ~~

3 days na din nakakalipas yung insidenteng  kinasangkutan ko (pagkakakulong ko)  kaya nung nalaman ni papa yun. dali-dali silang umuwi dito ni Joonma.

Hmm yung magaling na Mhond kasi na yun masyadong sumbungero. Humanda siya pag nakita ko siya. Ipapalapa ko siya sa Tigre!

Nakaupo lang ako dito sa sofa at ginagalaw ang buhok habang sinesermunan ni papa~~

Tinry ko naman talagang mag-explain kung bakit ako nakulong. Ngunit Subalit Datapwat ~ Ayaw akong pakinggan eh!

"Hoy! Nakikinig ka ba! ? "
"*sighs* Suko na ako sayong bata ka! Ang tigas ng ulo mo. Kanino ka ba nagmana??" - si papa

"Pffft" (Natawa ako sa sinabi niya ~)
"Sayo!" - ako

"Aba't -- JoonMyeon!JoonMyeon! halika nga dito ! "

"Yes papa?" - JoonMa

"Ikaw nang bahala sa kapatid mong magaling at tumataas ang altapresyon ko sakanya hayy" - si papa habang nakahawak sa batok na parang aatakihin sa sobrang galit .

"Sige papa. Ako munang bahala dito sa kapatid kong *tingin sakin* MAGALING"

Napataas ang kilay ko dahil talagang in-emphasize niya pa yung word na MAGALING!
Eh alam ko namang magaling ako~~ Hahahaha!

"Sipsip ka talaga Joonma" - sabi ko nang makaakyat na si papa.

Tumingin lang sakin ang kapatid kong magaling nang nakataas ang kilay.

Kung meron mang kaming pagkakapareho ni JoonMa, yun ay ang hilig naming dalawa na magtaasan ng kilay .

"Princess, Alam ko nang gagawin ko sayo. " - JoonMa

Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Princess talaga tawag sakin niyan.

Spoiled ako dito pero parang iba ang aura niya ngayon. Lagot! Kinakabahan ako sa naisip niya.

 (Dugdug Dugdug) waaah! yung puso ko parang lalabas ng wala sa oras. Hmm pero hindi ! Dapat i-maintain ko ang posture ko.

"Tutal ayaw mong magtrabaho. Pano kaya kung ipakasal ka nalang namin ni Papa sa anak ng business partner niya para may silbi ka. " - JoonMa

Dun na ako natauhan

"Ano ka hilo? Ikaw magpakasal kung gusto mo! Ikaw naman nakaisip eh."

Umupo siya sa tabi ko tapos inakbayan niya ko.

"Kung ayaw mo. Edi magtrabaho ka! " - JoonMa

"Ilang ulit ko bang ipapaintindi sa inyo na ayoko! Para kayong sirang plangka eh! Tsk" - ako


Nakaka asar na kasi eh. Ibinalik na naman niya yung topic na yun. Hayy! Pabida kasi kay papa LAGI *-* 


Waaahh! May naisip ako .. Haha

"Ahhha! *bright idea~ting!* "

"Anong pinagsasabi mong Bright idea ha ? Princess "

EHBRC Series: Chanyeol VillafuenteWhere stories live. Discover now