THREE

662 25 6
                                    

(Trixie's POV)

Tamad na tamad ako ngayong kumilos,hindi kasi ako nakatulog dahil sa kakaisip kay far.

nasaan ka bang babae ka?

napahilamos ako ng mukha at tsaka mabilis nang naligo dahil kailangan ko pang puntahan si far sa penthouse niya.

sana lang talaga ay umuwi yon,o di kaya sana ay hindi siya napaano.

paglabas ko napatalon ako ng makita kong may nakahiga sa kama ko.

nilapitan ko ito at halos maiyak ako nang makita kong si far ito.

nakapikit ito habang ang kalahati ng katawan ay nakahiga sa kama ko at ang mga binti ay nakababa lang.

mabilis akong lumapit sakanya at dinaganan siya.

ano baaaa!!

nakakarinding sigaw niya pero wala na akong pake dahil masaya talaga akong nandito siya ngayon sa harapan ko.

umalis ako sa pagkakadagan sakanya,naupo naman siya sa kama at tinitigan ko siya.

saan ka ba nagsuot ha?pinag alala mo kami ni maris e,huhuhu

ungot ko sakanya habang may namumuong luha sa mga mata ko.

napatingin naman ako sa suot niya.

nakablack na over sized shirt ito,naka short na hanggang tuhod at naka slippers lang.

saan ka galing ha?s-saan mo nakuha yang mga suot mo ngayon?b-beb puro panlalaki yan!!

pasigaw kong asik sakanya pero parang balewala lang ito sakanya.

mamaya na kita kukwentuhan trix,maliligo na ako kasi late nanaman tayo,malalagot tayo kay mamita!

mabilis siyang umalis sa harapan ko,dirediretso ito sa bathroom,samantalang ako ay naiwan akong nakanganga habang kung ano anong pumapasok sa isip ko.

kung bakit ba kasi nalibang akong makipag sayaw sa baklang maris na yon,napabayaan ko tuloy si far,hindi pa naman yun sanay uminom at pumunta sa bar.

ang t*nga t*nga mo talaga trixie!

sabi ko sa sarili at mabilis na hinandaan si far ng mga damit na naiwan niya dito,wala ni isang magandang damit dito kaya ang ending ay naka sweatshirt lang siya at blackpants at converse.

nagbihis nadin ako dahil sigurado akong late na talaga kami.

hindi siya umiimik hanggang sa makarating kami sa office.

hindi ko nadin muna siya kinulit dahil baka masigawan niya nanaman ako.

binili ko muna siya ng iced coffee bago kami umakyat.

tinitingnan ko siya sa gilid ng mata ko pero diretso lang ang tingin nito na akala mo walang kasama.

wala siya ni isang make up kaya nakashades siya ngayon dahil siguradong putok na putok ang eye bags niya.

pagbukas namin ng pinto ng office ni mamita ay nanlaki ang mga mata ko sa limang lalaking nakaupo.

nang makita nila kami ay sabay sabay pa itong nagsitayo.

napatingin ako sa lalaking medyo malaki ang pangangatawan,iniwas ko agad ang tingin ko dito ng biglang magtama ang mga mata namin.

tiningnan ko sa gilid ng mata ko si far at inalis niya na lahat ng nakatabing sa mukha niya maliban sa shades.

kahit na wala itong kahit na anong foundation,blush on at lipstick ay angat na angat padin ang taglay na ganda nito kaya proud ako sa itsura niya ngayon.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now