THIRTY FIVE

482 24 12
                                    

(Ken's POV)

Maraming tao sa loob ng bar ni maris,hindi ko na mabilang kung ilan ang lumapit samin ni stell para magpapicture,maski kay athena ay napakadami at lamang doon ang mga lalaki kaya nakabantay ako sakanya,ayoko lang maulit yung nangyaring pambabastos sakanya.

naupo na kami,magkatabi kami ni athena,tahimik lang siya mula pa kanina nung makauwi kami galing sa mall,kanina habang nasa biyahe kami ay hindi niya manlang ako pinansin,kaya naman nagmukha akong driver,tsk!

o isang bote para sa nagyaya.

inilapag ni maris ang isang bote ng tequila sa harapan ni athena,napailing naman ako dahil agad iyong binuksan ni athena,uminom siya agad agad,kaya nagkanda ubo ito dahil sa tapang non.

tsk!magdahan dahan ka nga athena,oh kada inom mo sisipsipin mo yan.

inilapit ko sakanya ang mga lime na nakaslice,kumunot naman ang noo niya habang nakatitig doon,kaya kinuha ko ang baso niya at nagsalin ako ng tequila,ininom ko iyon at tsaka kumuha ako ng isang slice ng lime,nagsalin ako ulit sa baso niya at tsaka iniabot iyon sakanya,napangiti ako ng makita kong ginaya niya ang ginawa ko.

bakit ka nagyayang uminom,may problema ka ba?

tanong ko dito habang umiinom nadin ako ng rum,nagkibit balikat lang ito at tsaka uminom ulit.

basta gusto ko lang.

hindi ba nagtrabaho ka sa bar?anong trabaho mo don?

kinakabahan ako sa magiging sagot niya,alam kong hindi siya ganung klaseng babae pero hindi ko maiwasang mag isip,lalo na't hindi ko pa alam ang totoo.

waitress ako don,wag kang mag alala hindi ako prosti ken.

umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya,paano niya nalaman ang tinatakbo ng isip ko?tsk!

h-hindi naman iyon ang iniisip ko noh?

napalunok ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko at tinitigan ang mga mata ko,hindi ko din maialis sakanya ang paningin ko.

talaga?hindi ka ba nagsisinungaling sakin ken?

amoy na amoy ko ang hininga niya,naghahalo doon ang amoy ng tequila at lime,at mabango iyon para sakin.

bakit hindi ka magpakatotoo?aminin mo na sakin.

dugdug.dugdug.dugdug

parang sasabog na ang puso ko dahil sa lakas ng pagtibok non,hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil parang iba ang dating sakin ng mga sinabi niya.

lumayo ako sakanya at tsaka nag iwas ng tingin,nakita ko namang lumayo nadin siya,sa gilid ng mata ko nalang siya tinatanaw,panay ang salin niya sa baso niya,pagtapos ay iinumin,ilang ulit niya iyong ginawa.

kelan ka magkukwento sakin ken?

napalingon ako dahil sa sinabi niya sakin,tinitigan ko siya,bigla din siyang tumingin sakin kaya hindi ko maialis ang mga titig ko sakanya.

a-anong g-gusto mong ikwento ko sayo?

agad akong uminom,parang nanunuyo ang lalamunan ko habang kaharap ko siya,nagkakanda utal utal din ako,tsk!ano bang nangyayari sakin?

tungkol sa inyo ni rose?ikaw?bahala ka.

huminga muna ako ng malalim bago ako nag umpisang magkwento sakanya,hindi niya inalis ang paningin niya sakin kaya ako ang umiwas,naiinis ako sa sarili ko dahil kinakabahan ako ngayon,bakit?bakit ba nagkakaganito ako?tsk!

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now