SEVENTY FIVE

214 23 27
                                    

AUTHOR'S NOTE

[Please listen to Hatid by THE JUANS while reading this part]


(Pablo's POV)

Maaga akong kumilos para maaga akong makarating sa the zone,pagdating ko doon ay kumpleto na silang apat,nagkukulitan sila maliban kay ken na tahimik lang na nakikinig sa tatlo,kahit nakafacemask siya ay alam kong seryoso lang ang itsura niya ngayon.

lumapit ako sa kanila,tinapik ko pa ang balikat ni ken kaya napatingin siya sakin at tumango ng simple.

sabi ni far may lagnat ka daw kahapon?bakit pumasok ka pa ngayon?

medyo okay na naman ako,lalo lang akong magkakasakit kapag nagstay lang ako don.

maayos siyang sumagot sakin kaya nagulat ako,mahigit isang taon na naging malamig ang pakikisama niya sakin,alam kong si far ang dahilan non,pero ngayon nakakagulat na maayos niya na akong kinausap.

nang umalis muna si stell,josh at jah ay naiwan lang kaming dalawa ni ken kaya naupo ako sa harapan niya.

tahimik lang siya na nakatingin kung saan,parang ang lalim lalim ng iniisip niya kaya nag alala ako.

ah ken pwedeng magtanong?usapang lalaki.

nakita ko pang tinanggal niya ang facemask niya bago siya tumingin sakin,nakatitig siya ngayon sa mga mata ko tsaka tumango.

nagkausap na ba kayo ni far?3 years nadin yon,galit ka pa ba sakanya?

bumuntong hininga siya tsaka isinandal ang likod sa upuan,nilaro laro niya pa ang kamay niya.

nasabi niya yung nangyari sakanya don sa new york,ang sakit dre kasi wala akong alam,wala akong kaalam alam sa pinagdaanan niya,lahat yon nalagpasan niya ng siya lang,dre naaawa ako kay athena.

nagsimula na siyang umiyak habang sinasabi niya iyon,lumapit ako sakanya tsaka himimas ang likod niya.

ken i'm sorry.

nagpunas muna siya ng luha bago niya ako lingunin.

malaki din ang kasalanan ko dahil hindi ko sinabi sayo kung nasaan sila at kung ano ang lagay ni far don,pero dre ginawa ko lang ang tama,nangako ako kay far na wala akong pagsasabihan ni isa sainyo,minsan ko ng nasira ang tiwala niya,sana naiintindihan mo.

nakakag*go man,naiintindihan kita pau,kilala ko si athena ayaw niya lang na mag alala kami kaya niya tinago,ang iniisip ko lang naman sayang e,nasayang yung oras,tatlong taon dre,tatlong taon akong galit na galit lang sakanya dahil sa pag iwan niya sakin,tatlong taon ko siyang tiniis kahit na ang gusto ko lang makasama siya,tatlong taong punong puno ng galit yung puso ko pero hindi naman pala dapat ako magalit,ang t*nga t*nga ko kasi hindi ko manlang siya inisip.

panay padin ang iyak niya habang nakakuyom lang ang kamao.

hindi pa naman huli diba?mahal mo padin naman si far hanggang ngayon ken diba?

matagal siyang natahimik,medyo nag alala ako para kay far,alam kong mahal na mahal pa ni far hanggang ngayon si ken kaya natatakot akong marinig ang sasabihin ngayon ni ken dahil alam kong masasaktan nanaman si far kung hindi na sila pareho ng nararamdaman.

mahal na mahal ko si athena,hindi yon nagbago kahit na ilang taon pa kaming hindi nagkasama.

nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni ken,mahal na mahal ko padin si far hanggang ngayon kaya masasaktan ako ng sobra kung hindi sila magiging maayos ni far ulit,masayang masaya na akong nakikitang masaya si far ngayon pero alam kong may kulang pa dahil hindi pa sila nagiging okay.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now