TWENTY SIX

518 25 11
                                    

(Ken's POV)

Hindi ako nakatulog,hindi kasi mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon,alam kong hindi dapat pero naaawa ako kay athena.

YESTERDAY

Habang akay akay ko si athena palabas sa gym ay maraming sumugod na paparazzi sa harapan ng dadaanan namin,panay kuha ito ng pictures samin,sunod sunod naman ang pagtatanong ng mga reporter na grabe ang kukulit.

anong masasabi mo ms.athena na may ibang girlfriend na pala ang ama ng anak mo?

bakit kasama mo ngayon si mr.ken?

niloko ka ba ni mr.pablo?

anong masasabi mo sa relasyon ni ms.rose at mr.pablo?

okay lang ba sayo na may ibang girlfriend na ang dati mong asawa ms.athena?

nakakarindi sila sobra,sumakay na kami sa kotse niya,ako na ang nagdrive at nasa passenger seat naman siya,ibinigay na ni josh kay yaya joy si baby at sumakay na ito sa likod.

mabilis kong pinaandar ang kotse ni athena,hindi ako makapag focus sa daan dahil naririnig ko ang mahinang paghikbi ni athena,sa likod naman ay ang pag ungot ungot ni baby,tinoyo bigla si baby dahil nakikita niyang umiiyak ang mama niya.

sumaktong traffic kaya nilingon ko si athena,sa labas lang ito nakatingin,hindi ko nakikita ang mukha niya dahil suot suot niya ang jacket ko at naka hood pa siya,umaalog ng bahagya ang balikat nito kaya alam kong hindi padin siya tumitigil sa pag iyak,ipinilig ko pa ang ulo ko papalapit sa manibela para makita ko ang mukha niya.

tsk!pwede bang wag mo akong tingnan,panget ako kapag umiiyak.

hindi ako umimik,mabilis akong umayos ng upo dahil biglang nag go na,nang makarating ay pinark ko na agad ang sasakyan niya at bumaba ako para pagbuksan siya at sina yaya joy.

hinawakan ko ang kamay niya pagbaba dahil parang nanghihina ito,nakatunghay siya kaya nakikita ko na ngayon ang itsura niya,malayo lang ang tingin nito,napaawang ang labi ko ng makita kong pulang pula ang mga mata nito pati ang ilong at sobrang namamaga din ang mata niya,ngayon ko lang din nakita na ang laki laki pala ang eye bags niya,grabe parang naging ibang tao siya ngayon,pero maganda padin naman siya,ang kaso ay mukha na itong bangkay sa kakaiyak,tsk!

pag nagkita nalang tayo ulit tsaka ko ibabalik 'tong jacket mo,pati yung tshirt at short mo.

kinarga nito si baby at paulit ulit na hinalik-halikan sa pisnge,kaya lalong umiyak si baby,nakakaawa ang iyak nito,parang sobrang nadadala siya sa problema ni athena.hays!

pwede bang dyan muna ako sa penthouse mo athena?

umuwi kana,gamitin mo na yang kotse ko.

nanlaki pa ng bahagya ang mga mata ko sa sinabi niya,grabe may puso naman pala talaga ang bungangerang,boksingero at iyakin na'to!

parang ayoko pa silang iwanan pero baka magalit naman sakin si athena kaya hindi na ako nagpumilit,pero hindi ako mapakali.

athena!

malakas na tawag ko dito nung papasok na sila,akala ko ay hindi ito lilingon pero lumingon siya,kahit medyo malayo na ay nakikita kong nasa akin ang paningin niya kaya nagsalita ako ulit.

pwede ba akong pumunta bukas dito?

parang napahiya ako ng talikuran ako nito,mabuti nalang ay yung dalawang guard lang ang tao kung hindi pinahiya nanaman ako ng babaeng yon!

pasakay palang ako ng kotse nang biglang tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko agad kung sino ang nagtext.

Matutina (11:24am)

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now