SIXTY SIX

263 21 17
                                    

(Pablo's POV)

Naiwan kaming lima dahil kami ang mag aasikaso ng funeral wake ni gelo,walang ni isang umiimik samin,sobrang hindi padin ako makapaniwala sa nangyari.

nandito kami ngayon sa chapel,maya maya ay dumating na ang sasakyan kung saan nakasakay ang katawan ni gelo,agad tumulo ang luha ko ng pinapasok na ang kabaong kung nasaan si gelo,nag maiayos na ay ako ang naunang lumapit para tingnan si gelo.

nanginginig ang mga tuhod ko ngayon habang papalapit ako sa kabaong,tinitigan ko lang si gelo,ang sakit sakit makitang wala na siya ngayon,hindi ko manlang nagawang humingi ng tawad sakanya dahil sa nagawa ko noon kay far,alam kong masama ang loob niya sakin noon pero sana napatawad niya na ako.

bro,sana maayos ang lagay mo kung nasaan ka man ngayon,palagi mong babantayan si far,baby at lexi ha?

pinipilit kong ngumiti habang nagsasalita pero nag uunahan lang sa pagtulo ang mga luha ko.

mahal ka namin bro,mahal ka namin.

naupo na ako,tumabi ako kay ken,nasa dulong bahagi siya ng chapel,nakatulala lang sa harapan kung nasaan si gelo ngayon.

inakbayan ko siya at tsaka hinimas pa ang balikat niya,nakita ko namang bigla siyang yumuko at kinusot ang mga mata niya.

sobrang naaawa din ako kay ken,hirap na hirap din siya,kita ko ang pagod at puyat sa kanya pero alam kong pinipilit nyang magpakatatag para kay far.

lumapit samin sina stell,josh at jah at naupo sa tabi namin,walang umiimik samin,lahat kami ay parang mga lantang gulay dahil hindi talaga kapani paniwala ang mga nangyari.

bakit kailangang mangyari 'to lahat?paano nagawa ng joaquin na yon ang saktan ang kaibigan niya at ang kapatid nito?hindi ko din masisi ang isang yon dahil may mental disorder pala siya dahil hindi niya matanggap ang pagkawala ng tatay niya,wala siya ngayon sa kulungan kundi sa mental hospital,may tama din ito ng baril pero hindi iyon malala,kahit na may sakit siya ay hindi padin naman yon reason para pumatay at subukan niyang pagsamantalahan si far,nagawa niya ding patayin si mang kino,na siyang ama ng kapatid nila far.

sobrang nakakaawa si far,sigurado akong sarili niya ang sinisisi niya sa lahat ng nangyari.

unti unti nang may mga dumadating,kaibigan,kaklase,
katrabaho ni gelo,may mga security sa labas dahil baka dumugin dito ng tao lalo na't kilala si gelo na kapatid ni far,isa pa ay nandito din kaming lima.

biglang nagring ang phone ko kaya lumabas ako para sagutin yon,nang makita kong si trix ay nataranta ako.

Hello pau?

hello?

paabangan naman kami sa kanto,diretso alis na kasi ako,susunduin ko lang si maris at lexi.

binaba ko na agad ang tawag at tsaka sumakay na sa kotse ko,natanaw ko na agad ang sasakyan nila trix kaya bumaba ako para lapitan sila.

pagbukas ng pinto ay nandoon si far at baby na magkakandong,kinuha ko agad si baby at ako na ang nagkarga dito papunta sa sasakyan.

trix ingat.

thanks pau,ikaw ng bahala ha?

tumango lang ako dito at tsaka hinawakan na ang kamay ni far at tsaka sumakay na kami sa sasakyan.

tahimik lang sila pareho ni baby,sa tingin ko ay nasabi niya na kay baby ang nangyari kaya hindi ko makita ang makulit at madaldal na abby ngayon.

pagkapark ko ng kotse ay umikot ako para pagbuksan sila ng pinto,kinarga ko na ulit si baby at tsaka inilahad ang kamay sa harapan ni far na agad naman niyang hinawakan.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now