SEVENTY ONE

245 25 29
                                    

AUTHOR'S NOTE

[Please listen to I Need You More Today by CALEB SANTOS while reading this part]

(Ken's POV)

Nakabihis na ako ngayon dahil papunta na ako sa mall para makasama si jen,habang nag aayos ako ng sarili ay biglang nagring ang phone ko kaya nagmadali akong kunin yon sa living room.

Hello jah?

hello ken,nakita mo na ba yung balita?magugulat ka!

pasigaw pa itong sinabi sakin ni jah kaya kumunot ang noo ko.

bakit?ano ba yon?

magbukas ka ng tv!sige na baba ko na'to naglalaro kami ni josh e,bye.

parang sira ang isang yon,tsk!binuksan ko nalang ang tv dahil nacurious din ako sa kung ano ang sinasabi niya.

agad umawang ang bibig ko ng makita ko si athena,nasa mall ito at pinapaligiran talaga siya ng mga tao.

bakit ang tagal mong nawala ms.athena?

totoo bang hiwalay na kayo ni ken ng SB19?

anong dahilan ng bigla mong pag alis?

paulit ulit lang ang mga tanong sakanya,nakatitig lang ako sa mukha niya,nakashades siya pero wala siyang facemask kaya kitang kita ko ang mukha niya.

ang ganda ganda niya padin hanggang ngayon walang pinagbago,napailing ako at agad pinatay ang tv.

bigla ko namang naalala si jen kaya agad ko siyang tinawagan,nag isip pa ako ng idadahilan sakanya dahil ayoko na magpunta sa mall dahil ayokong makita si athena.

agad naman niya iyong sinagot kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hello?

hello jen,ano k-kasi hindi tayo tuloy ngayon,sasamahan ko nga pala si jah ngayon,next time nalang ha?

napapikit pa ako dahil nauutal pa ako sa pagsasalita,kumunot naman ang noo ko dahil wala ng nagsalita,binaba ko nalang dahil mukhang natulala ata siya kaya hindi na nakaimik pa.

nagpalit na ulit ako ng damit pambahay dahil wala naman na akong gagawin.

pumasok nalang ulit ako sa kwarto at nanonood nalang ulit ng anime,mas mabuti yon kesa kung ano anong nababalitaan ko.

habang nanonood ako ay nakatitig lang ako doon pero naglalakbay ang utak ko,napahilamos ako dahil hindi na mawala sa utak ko ang mukha ni athena,tinanggal ko ang headphone ko at tsaka nahiga sa kama.

habang nakatitig ako sa kisame ay mukha niya padin ang nakikita ko,tsk!akala ko nawala na ang ganito kong gawain,simula ng umalis siya ay araw araw na ganito lang ang nangyayari sakin noon,kahit saan ako tumingin mukha niya lang ang nakikita ko.

bakit ka pa bumalik?

galit ako sakanya,dalawang taon,dalawang taon siyang nawala at kahit na isang beses hindi ako nakarining ng balita tungkol sakanya kaya sobrang gulo ng utak ko,walang nakakaalam ni isa samin kung nasaan siya,sila,kaya araw araw pinapatay ako ng pag iisip.

galit ako sayo pero bakit gusto kitang makita athena?!bakit?

kahit na galit na galit padin ako sakanya hanggang ngayon pero may parte sakin na gustong gusto ko siyang makita,gusto ko siyang mayakap,gusto kong marinig ang boses niya,pero hindi,nangako ako sa sarili ko na kahit na anong paliwanag ang sasabihin niya ay hindi ako maniniwala sakanya.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now