FORTY FIVE

457 25 14
                                    

(Athena's POV)

Mama!mama!

panay ungot lang ang sagot ko kay baby,antok na antok pa ako dahil anong oras na akong nakatulog kagabi kakaisip kay ken.

mama,kuya ken is here!

dahil sa gulat sa sinabi ni baby ay napaigkas ako sa kama,hindi ko napansing nasa dulo na pala ako kaya nalaglag ako sa sahig.

ouch!

mama!mama are you okay?

hindi ko maitapak sa sahig ang paa ko dahil parang naramdaman pa ako tusok tusok sa talampakan ko,tsk!narinig ko lang ang pangalan niya nagkakaganito na ako,badtrip!

baby?anong nangyari dyan?

papasok na si kuya ken ha?

napalunok ako ng marinig ko ang boses ni ken,agad niyang binuksan ang pinto ng kwarto,iniwas ko ang paningin ko sakanya ng tumingin siya sa pwesto namin.

anong nangyari?tsk!

hinawakan niya ang kamay ko para hilahin ako,pinilit ko ng itapak ang paa ko kahit masakit padin,naupo ako sa kama at don hinilot ang paa ko.

anong nangyari athena,saan masakit?

nanlaki ang mga mata ko ng maupo siya sa sahig at kunin ang paa ko,pinatong niya pa iyon sa hita niya,aalisin ko sana iyon ng samaan niya ako ng tingin.

nalaglag po si mama sa kama kuya ken.

tsk!ang tanda tanda mo na nalalaglag ka pa sa kama athena?!badtrip ka naman,nasaktan ka pa tuloy dahil sa kaengotan mo!

nginiwian ko siya at tsaka padabog na inalis ang paa ko sa pagkakahawak niya,kinuha ko ang bath towel ko at bathrobe at mabilis na pumasok sa bathroom.

kasalanan niya kaya 'to!kung bakit ba kasi ang aga aga ay pupunta siya dito!

kabaligtaran naman ng sinabi ko ang nararamdaman ko dahil masaya ako na nakita ko siya agad ngayong umaga.

napangiti ako mag isa ng maisip ko iyon,mabilis na akong naligo,pagkatapos ko ay nagbihis na ako,wala na si ken at baby sa kwarto ko kaya malaya akong mamili ng susuotin.

nagwhite shirt at maong short lang ako,nagbelt na gucci nalang ako para magkaroon ng style,nagmessy bun lang din ako,hindi ako naglagay ng kahit na anong make up,liptint lang ang meron ako,pagkatapos ay nagwhite rubber shoes lang din ako.

paglabas ko ay wala si baby at ken sa living room,narinig ko naman ang pagtawa ni baby sa playroom kaya nagpunta ako doon.

pagbukas ko ay nasa loob sina ken at baby ng tent kaya napangiti ako.

mama!

naunang lumabas si baby,tumakbo ito papalapit sakin at yumuko naman ako para mahalikan siya,kinarga ko ito.

nagbreakfast ka na baby?

opo mama,binilhan po ako ni kuya ken ng fried rice,egg and hotdogs,tinimpla din po ako ni yaya ng milk.

ngumiti naman ako ng malaki sakanya at hinalikan ulit siya,napalingon naman ako kay ken dahil sa pagtikhim niya.

ako ba walang good morning kiss athena?

napalunok lang ako ng sabihin niya iyon at tsaka nag iwas ng tingin,bumaba si baby sa pagkakakarga ko,binuksan ko ang pinto ng playroom nauna siyang lumabas,susunod na sana ako sakanya ng hawakan ni ken ang kamay ko.

good morning love,namiss kita agad.

umawang ang labi ko ng banggitin iyon ni ken,nakangiti siyang matamis sakin habang nakatitig sa mga mata ko,lumapit siya at tsaka hinalikan ako sa noo.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now