SIXTY SEVEN

264 21 17
                                    

AUTHOR'S NOTE

[Please listen to Pahinga by FERDINAND ARAGON while reading this part]

(Ken's POV)

Katabi ko ngayon si athena pero parang ang layo layo niya,hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon.

love?

lumingon siya sakin,tinitigan ko ang mga mata niya,lumapit ako sakanya at tsaka niyakap siya,naramdaman kong niyakap niya din ako pabalik kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

bumitaw ako sa pagkakayakap at tsaka tinitigan siya ng malapitan,hinaplos ko ang pisnge niya at hinalikan siya sa noo.

i love you love,magpahinga kana.

hinawakan ko ang kamay niya,pinaupo ko muna siya sa upuan sa harapan ng kama habang inaayos ko ang hihigan niya.

love?

napalingon ako ng tawagin niya ako kaya hininto ako muna ang ginagawa ko at lumapit sakanya.

masama ba akong tao?

natigilan ako sa tanong niya sakin,lumuhod ako sa harapan niya at tsaka hinaplos ang pisnge niya.

love naman.

tatlong beses na akong muntik gahasain,hindi man ako nagalaw pero madaming beses akong hinawakan at hinalikan,palaging may nadadamay,palaging may napapahamak dahil sakin.

nakatulala lang siya,wala din sakin ang paningin niya,nagsalita ulit siya kaya nananatili akong tahimik.

wala na si mang kino,wala na si gelo,namatay sila dahil sakin,sobrang nasasaktan ako kapag nakikita ko si gelo doon sa kabaong,walang buhay,kasalanan ko lahat,i'm sorry gelo,i'm sorry mang kino,i'm sorry.

umawang ang labi ko dahil sinabi niya iyon lahat na walang kahit na anong emosyon,blangko lang ang mukha niya,kumunot ang noo ko ng bigla siyang tumayo.

lumapit siya sa kama at doon humiga na,nakaharap siya sakin kaya nakatitig lang ako sakanya,hindi padin ako nakakatayo sa sahig,parang kasing nawawala ako sa sarili dahil sa
pinapakita niya sakin.

nakatitig lang ako sakanya,bigla siyang tumingin sakin,inilahad niya pa ang kamay niya sa harapan ko,agad akong tumayo at lumapit sakanya,naupo ako sa tabi niya tsaka hinawakan ang kamay niya.

nasa kung saan saan lang ang paningin niya,hinaplos ko ang pisnge niya,napatingin siya sakin.

diba ang sabi mo wag magsosorry kung wala namang kasalanan?wala kang kasalanan love,please tigilan mo na pagsisi sa sarili mo.

nakatingin lang siya sakin,napahilamos ako ng mukha dahil nakakainis na ang mukha niya,nananatili iyong blangko at parang walang pakialam sa mga sinasabi ko.

love,pwede ka namang umiyak e,please wag naman ganito,mas maganda kapag pinapakita mo ang totoo mong nararamdaman.

umiling siya at tsaka tumagilid ng pwesto,hawak niya padin ang kamay ko at idinikit niya iyon sa pisnge niya habang nakatagilid siya.

hindi ako iiyak,malungkot ako at nasasaktan pero hindi ako iiyak.

pero love,ikaw lang din ang nahihirapan sa ginagawa mo.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now