LAST PART

501 28 89
                                    

(Author's POV)

FLASHBACK

Nasa tapat pa sila ng bar dalawa ni paulo habang panay ang kulit ni athena na umuwi na ito.

pwede bang itext o tawagan mo ako kapag maaga natapos ang shift mo far?susunduin kita.

hindi na pau,kaya ko naman na e.

please far,gusto kitang sunduin,delikado dito sa lugar niyo e,darating ako pangako yan.

okay sige na nga,itetext kita agad.

hinintay niya pang makasakay ito bago siya pumasok sa loob ng bar.

tama nga si paulo,dahil 1am ng pauwiin siya.

ilang beses niyang tinext at tinawagan si paulo pero hindi ito dumating.

naglalakad na si athena sa kalsada,kabang kaba siya dahil parang may sumusunod sakanya,panay ang lingon niya sa likuran niya dahil kakaiba ang kabang nararamdaman niya.

paulit ulit niya pading dinial ang number ni paulo pero wala talaga.

habang naglalakad siya ay napatalon sa gulat si athena dahil sa pagtawag sa pangalan niya.

athena?!

nasa harapan niya ngayon ang sasakyan ng boss niya na mayor sa lugar nila,nakasakay ito sa likuran at hindi matanaw ni athena ang nasa unahan dahil kakaiba ang sasakyan nito.

bakit ka nag iisa sa ganitong oras?delikado.

a-ah mayor,pauwi na po ako,hinihintay ko lang po ang boyfriend ko.

hahaha hindi na darating yon hija,halika sumabay ka na sakin.

matagal pang nag isip si athena,tinext niya muna si paulo bago niya naisipang sumakay na,malayo pa ang lugar kung saan sila nakatira,masyado namang mahal kapag nagtaxi pa siya papunta doon,wala na kasing ibang masasakyan kapag ganitong oras.

sige po.

lumapad ang pagkakangiti ng mayor dahil sa sinabi ni athena,agad siya nitong pinagbuksan ng pinto at pinatabi sa kanya.

nilibot ni athena ang tingin sa buong sasakyan,malaki ang likod non at kakaiba nga dahil hindi niya nakikita ang driver habang nasa likuran sila,may maliit na butas lang doon na sa tingin niya ay mata lang ang kakasya,nagsalita doon ang mayor na siyang dahilan ng pag andar ng sasakyan.

tahimik lang si athena na nasa labas ng bintana ang paningin,narinig niya ang biglang pagtikhim ng mayor kaya napalingon siya.

nanlaki ang mata niya dahil nasa tabi niya na pala ito,wala ng kahit konting space sa gitna nila kaya naman malaya itong natitigan ang buong mukha niya,at nang magsalita ito ay amoy na amoy niya ang mabahong hininga nito na pinaghalong alak at sigarilyo ang amoy.

ilang taon ka na nga ulit athena?

napalunok si athena bago siya sumagot dito,pilit siyang umuusog palayo pero wala na talagang space sa gilid niya.

a-ah 19 po.

19,masyado ka pang bata pero ang ganda ganda ng hubog ng katawan mo hija.

nagtaasan ang balahibo ni athena ng maramdaman niya ang paghawak nito sa isang hita niya,inalis niya iyon tsaka umiwas ng tingin,umunahan siya ng upo para hindi niya ito makadikit.

a-ah mayor dito nalang po ako,nagtext po yung boyfriend ko,nandyan na po siya sa kanto.

wala namang nagtetext sayo hija,nakatingin ako sayo kanina pa.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now