FORTY ONE

461 23 20
                                    

(Athena's POV)

Kakatapos lang ng shoot namin,bukas ng gabi ulit ang susunod,hangang hanga si mamita dahil kahit papaano ay namayat ako,mabuti na nga lang ay one picece ang suot kanina dahil hindi kailangan makita ang tiyan ko sa picture.

nandito ako ngayon sa kwarto,katabi ko si baby na naglalaro lang ng teddy bear niya,binubura ko ang make up ko habang nakaharap sa malaking salamin,nang mabura ko na lahat ay kumuyom ang kamao ko ng makita ko ang ilang sugat ko sa noo,nakakailan ka ng babae ka sakin,pasalamat ka dalawang suntok lang ang inabot mo sakin!

nagbihis na ako,nag white tube lang ako at maong short,nagsandals lang din ako,hinayaan kong nakalugay ang itim kong buhok,nagsuot din ako ng shades.

mama you're so pretty po!

you're pretty too baby,you want to swim?

yes mama!

come on,sasamahan ka ni mama.

yehey!

kinarga ko si baby hanggang sa makarating kami sa dagat,sinalubong kami ni gelo at trix,kinuha ni gelo si baby sakin at hinawakan naman ako trix at hinila papunta sa tubig pero tinanggal ko iyon.

ayoko muna magswimming beb,doon na muna ako sa taas.

tinuro ko pa ang mataas na bato,tinawag pa ako nito pero dirediretso lang ako hanggang sa makarating ako sa baba ng malaking bato,dahan dahan akong umakyat doon,napangiti ako ng makita ko ang buong paligid ng dagat,tumayo ako at tinanaw ang dulo,may isla doon,naisip ko na pupuntahan ko iyon bago kami umalis dito,pero wag muna ngayon dahil medyo pagod pa ako.

naupo ako ulit,napatingin ako sa dagat,umawang ang labi ko ng matanaw ko si ken at jen na magkasama,panay ang pagtawa nilang dalawa,tsk!close na close pala sila?nakakairita silang tingnan,pareho silang mukhang sinto sinto!

napabuntong hininga ako,ngayon lang ata dumaan ang maghapon na hindi manlang ako nagawang kulitin ni ken,magkasama lang kami dito pero parang malayo kami sa isa't isa,tinitingnan ko siya kanina habang nagpipictorial pero never kong nahuli tumingin siya sakin kahit saglit.

galit ba siya?naiinis ako kapag hindi niya ako pinapansin at kinakausap,nakakairita siya,dahil sakanya nalilito ako!

napatalon ako ng biglang may magsalita sa tabi ko,alam ko na agad kung sino iyon kaya dahan dahan akong lumingon.

hindi ka padin nagbabago,mahilig ka padin sa matataas na lugar noh?

napakalapit sakin ni pau,halos magkadikit ang mga siko namin,pinakiramdaman ko ang sarili ko,umawang ang labi ko habang nakatitig sakanya ng hindi ko maramdaman ang kakaibang kabang nararamdaman ko noon kapag ganito siya kalapit sakin.

far yung tungkol pala kagabi?

wag na nalang natin pag usapan pau,basta okay na,okay na tayo.

nakangiti pa ako ng kaunti habang sinasabi ko sakanya iyon.

beeeebbbb!mag boat tayo bilissss!

napatayo ako dahil sa pagsigaw sakin ni trix,naglakad ako dahan dahan,nilahad ni pau ang kamay niya sa harapan ko at walang alinlangan na inabot ko iyon,hanggang sa makababa ay nakahawak lang ako kay pau,napatingin ako sakanya dahil sa kakaibang pagtitig niya sakin.

why?

umiling lang siya sakin,kaya naglakad na ako palapit kina trix,sumalubong sakin si baby kaya agad ko itong kinarga,basang basa nadin ako dahil sakanya.

mama pwede po ba akong sumama sa boat?

yes naman baby,kasama ka ni mama kahit saan.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now