THIRTY ONE

495 25 6
                                    

(Athena's POV)

Mama,masakit po ba?i'm sorry po hindi kita napagtanggol sa bad guy na si kuya chris,akala ko po he's nice pero hindi po pala.

panay ang iyak ni baby habang yakap yakap ako,paakyat na kami sa penthouse ko,si ken ay nasa likod lang namin,kasama sina yaya joy at ang body guards ko.

ssshhh,enough na baby,okay lang si mama,stop crying na.

panay padin ang iyak nito,nang makarating sa penthouse ay diniretso ko ito sa kwarto,binihisan ko siya at tsaka kinarga ulit,hinimas himas ko ang likod nito habang karga karga ko lang para antukin na siya.

mga isang oras ko na siyang karga karga kaya nararamdaman ko na ang ngalay,biglang may kumatok kaya pinagbuksan ko ito,nang makita ko si ken ay hinayaan ko itong makapasok.

naupo siya sa couch,tahimik lang siyang nakamasid samin ni baby,sa salamin ako nakatingin kaya nakikita ko siyang nakatitig lang samin.

i'm sorry athena,hindi ko alam na gagawin yon sayo ni chris,i'm sorry.

hindi mo kailangan magsorry,wag na wag kang magsosorry kung wala ka namang kasalanan.

nakakapanibago lang dahil pareho kaming kalmado ni ken,wala ni isa samin ang nagtataas ng boses,parang wala din ako sa mood na magtaray sakanya kaya sinagot ko siya ng maayos.

pwede kang magreklamo,yung ginawa niya sayo,tapos binantaan ka pa niya.

no need,may career din siya ayokong masira yon dahil sakin,at isa pa ayoko ng lumaki ang gulo.

pero athena-------

amoy alak siya kanina,siguro hindi niya naman tototohanin yung banta niya,sa tingin ko kaya niya lang nagawa yon sakin kasi lasing siya.

natahimik si ken,naramdaman kong mabigat na ang paghinga ni baby kaya dahan dahan ko na itong ibinaba sa kama,hinalikan ko pa ito sa pisnge at noo bago ako lumayo sakanya.

kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng bag ko,tinawagan ko ang isa sa mga waitress sa resto ko,agad naman itong sinagot.

Hello po mam athena?

pag alis ba namin may mga lumabas na dyan sa resto?

wala pa naman po mam,bakit po?

harangin lahat ng lalabas,ayokong may makikita akong headline bukas tungkol sa nangyari kanina,hindi pwedeng makalabas ang mga video nila samin.

yes po mam,masusunod po.

sabihan lahat ng guards,kapag may nakalabas na kahit na isang video tatanggalin ko silang lahat,kung wala,itataas ko ng triple ang sahod niyong lahat,understood?!

o-opo mam athena,wala pong makakalabas.

binaba ko na ang tawag,tumingin ako kay ken,napailing pa ito bago tumayo at lumabas sa kwarto.

isinara ko na muna ang pinto,nagshower ako pagkatapos ay naligo ako,nagterno silk pajama ako,lumabas ako ng kwarto,nakita kong nakasilip si ken sa bintanang sarado,lumapit ako sa tabi niya tsaka binuksan ang sliding door doon,lumabas ako sa may terrace,nakita ko sa gilid ng mata kong sumunod siya sakin.

kinagat ko ang pang ibabang labi ko ng makita kong napaupo ito sa sahig,habang hawak hawak ang tiyan niya,hindi ko siya tinitingnan dahil ayokong mapahiya siya,ang ginawa ko nalang ay naupo ako sa tabi niya,nakita kong napaawang pa ang labi niya dahil sa ginawa ko pero hindi ko siya pinansin.

nakatitig lang ako sa paligid,nasa 14th floor penthouse ko kaya mataas na iyon tingnan,hindi ko talaga alam pero gumagaan ang pakiramdam ko kapag nasa matataas akong lugar,yung tipong feeling ko ang lapit lapit sakin ng langit,yung parang buong lugar nakikita ng dalawang mata ko,yung matataas na puno,bundok,at yung napakalakas na hangin na humahampas sa mukha ko.

Can't Stop Loving YouWhere stories live. Discover now